Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kelot nagilitan ng yero sa leeg, tigok

0 103

Kalunos-lunos ang sinapit na kamatayan ng isang lalaki matapos itong magilitan sa leeg ng yero na karga ng nakabanggaan niyang tricycle sa Sto. Tomas City, Batangas noong Huwebes.

Kinilala ang biktima na si Emerson Tria, 43-anyos, water meter reader ng Prime Water Infrastructure Corporation at residente ng Brgy. San Vicente, Sto. Tomas City.

Sa report ng Sto. Tomas City police, binabagtas ng biktima ang main road sa Gov. Malvar St., sa Brgy. Poblacion 1 nang bigla umanong pumasok sa highway ang tricycle na kargado ng mga long span color roof bandang alas-8:30 ng umaga.

Dahil walang warning device na nakakabit sa yero, sumalpok dito ang rider at nagilit ang leeg at kanang balikat nito.

Isinugod sa Saint Frances Cabrini Hospital ang biktima pero idineklara itong dead on arrival sanhi ng pagkaubos ng dugo.

Inaresto naman ng mga pulis ang driver ng tricycle na si Mark John Datuga, isang construction worker na wala umanong lisensiya sa pagmamaneho nang mangyari ang insidente. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.