Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kelot lumagapak sa Tagaytay building, tigok

0 57

Nasawi ang isang karpintero matapos itong mahulog sa ginagawang gusali sa isang sikat na theme subdivision sa Tagaytay-Laurel Area Martes ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Leo Gamboa, 25 anyos, taga-Brgy. Bulbok, Batangas City at steelman sa ginagawang building sa Twinlakes Subdivision sa boundary ng Brgy. Dayap Itaas, Laurel, Batangas at Tagaytay City.

Sa report ng pulisya, ang biktima ay nahulog mula sa 3rd floor ng ginagawang Vineyard Manor building na nasa tuktok ng isang burol na isa sa pangunahing atraksyon sa Tagaytay City area.

Nawalan umano ng panimbang ang biktima habang kumukuha ng tools at bumulusok sa ground floor.

Isinugod pa ito sa Ospital ng Tagaytay subalit idineklara nang dead on arrival. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.