Una sa Balita

Kelot kulong sa panghahablot

0 228

ARESTADO ang isang 26-anyos na lalaki nang hablutin nito ang shoulder bag ng isang custo­mer service agent sa Bacoor City, Cavite.

Nakakulong ngayon sa Bacoor City Custodial Center ang suspek na si Marlon Losocon, may live-in partner, ng Block 87 Lot 14, Purok uno, Ka­wal Dagat-dagatan, Barangay 28, Caloocan City dahil sa reklamo ni Charlene Agagad, 26, dalaga, ng Block 2 Lot 7, Sunnydale villas, Barangay Malagasang, Imus City, Cavite.

Sa ulat ni P/Cpl Fidel Quirejero III ng Imus City Police Station, dakong alas-11:50 kamakalawa nang gabi nang naganap ang insidente sa Real St., Barangay Zapote 2, Bacoor City, Cavite kung saan nagla­lakad ang biktima nang hablutin ng suspek ang shoulder nito na nag­lalaman ng P800 cash, ATM at mahahalagang dokumento. (Gene Adsuara)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy