Una sa Balita

Kelot huli sa high grade ‘kush’ sa Marikina

By
0 196

Arestado ang isang 20-anyos na estudyante matapos nahuling nagbebenta ng high grade marijuana o mas kilal­a bilang ‘kush’ sa ikinasang drug buy-bust ope­ration, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Batay sa report na nakalap mula sa tanggapan ng Eastern Police District (EPD), nakilala ang suspek na si Mark Joseph Regaspi, 20-an­yos, 3rd year college at residente ng Marikina, na nahuli sa isinagawang operas­yon ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU).

Ayon kay P/Insp. Greco Gonzales, kilala umano ang estud­yante na sangkot sa pagbebenta ng high grade mari­juana o mas kilala sa tawag na ‘kush’.

Ikinasa ang ope­rasyon bandang alas-5:57 kamakalawa nang hapon sa Paraluman St., Brgy. Parang, na kung saan ay nakipagtran­saksyon ang isang pulis na nagpanggap bilang poseur buyer sa batang suspek.

Nang aktong ibibi­gay na ang kush sa pulis ay doon na nagbigay ng hudyat para arestuhin si Regaspi matapos mahulihan ng dalawang pa­kete ng marijuana.

Narekober mula sa suspek ang tatlong pi­rasong plastic zip lock na naglalaman ng high grade kush, isang improvised tube pipe at P1,000 buy-bust money.