Una sa Balita

Kelot binoga ng kagalit na kapitbahay

0 1,526

SUGATAN ang isang 46-anyos na lalaki matapos barilin ng kanyang nakaalitang kapitbahay kahapon ng madaling-araw sa Nepumuceno St., Tondo, Maynila.

Isinugod sa Tondo Me­dical Center ang biktimang si Albaro Clemen­te ng #420 Nepumuceno St., Tondo, Maynila.

Habang tumakas naman ang suspek na si Jing Celeste, nasa hustong edad at kapitbahay ng biktima.

Nabatid na matagal nang may alitan ang biktima at ang suspek at nang magkita ay muling nagkasagutan.

Hanggang sa kumu­ha ng baril ang suspek saka binaril sa katawan ang biktima bago mabilis na tumakas.

Isinugod naman ng kanyang mga kaanak sa pagamutan ang biktima.

Nagsasagawa naman ng follow up operation ang pulisya para maaresto ang suspek. (Juliet de Loza-Cudia)