Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kelot ayaw paaresto, tumalon sa bangin

0 129

KAMATAYAN ang sinapit ng isang 47-anyos na lalaki nang pinili nito ang tumalon sa bangin upang hindi mahuli ng mga awtoridad dahil sa iligal na sabong o tupada sa Indang, Cavite nitong Sabado.

Umabot ng mahigit isang araw bago natagpuan ang bangkay ng biktimang si Mary June Agsangre Flores, binata, driver, at residente ng Brgy. Tambo Kulit, Indang, Cavite.

Sa ulat ni PSMSgt Arne Julian ng Indang Municipal Police Station, huling nakitang buhay ang biktima kasama ang isang kaibigan noong Sabado ng umaga patungo sa Roms Farm kung saan may isinagawang tupada sa lugar.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Dakong alas-6:30 ng gabi rin noong Sabado ng magtungo sa himpilan ng pulisya ang mga kaanak ng biktima dahil hindi pa ito umuuwi ng kanilang bahay.

Kinabukasan naman ay tumambad ang bangkay ng biktima na palutang-lutang sa isang ilog sa Brgy. Tambo Malaki ng naturang lugar.

Nabatid na noong Sabado ay nagsagawa ng operasyon ang Indang MPS at sinalakay ang tupada sa Roms Farm kung saan huling nakitang buhay ang biktima.

Inaalam din kung may naganap na foul play sa pagkamatay ni Flores. (Gene Adsuara/Edwin Balasa)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.