Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kelot, 3 beses nanalo ng lotto sa isang outlet

0 79

IBA talaga kapag sinusuwerte.

Hindi lang isa, hindi rin dalawa kundi tatlong beses nanalo sa lottery o lotto ang isang lalaki sa North Carolina.

Unang nanalo ng isang milyong dolyar o katumbas ng P50 milyon si Terry Splawn, ng Concord, North Carolina.

Kwento ni Terry, bumili siya ng Education Lottery nang bumisita sa Mini Stop doon. Nagbakasakali siya sa $20 Premiere Cash scratch-off ticket at nanalo siya ng $100,000 na premyo.

“It was on Labor Day,” sinabi ni Terry. “So, it was a really nice surprise for the day,” dagdag nito.

Una siyang nanalo ng isang milyon sa lottery headquarters noong April 2017, nang kumuha ng Millionaire Bucks ticket.

Noong March 2019, bumalik siya at muling nanalo ng $1 million prize mula sa $150 Million Cash Explosion scratch-off ticket.

Lahat iyun ay kinubra niya sa iisang store lang. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.