Una sa Balita

Kelly ayaw pakasiguro kay Lee

By
0 369

INSPIRADO si Edward “The Ferocious” Kelly kaya naman naniniwala siyang makukuha ang panalo pagharap kontra Singaporean star Christian “The Warrior” Lee sa kanilang rematch sa ONE: ETERNAL GLORY na gaganapin sa Istora Senayan sa Jakarta, Indonesia sa Sabado.

Naglaban sa feather­weight match-up nakaraang Setyembre sa ONE: BEYOND THE HORIZON sa Shanghai, China ang dalawang­ warriors, pero dalawang­ minuto lang silang nagbanatan matapos ma-disqualify si Lee kaya nanaig si Kelly.

Nais ng Pilipino fighter na manalo nang walang kontrobersya, kumpiyansa siyang lalaban at kahit paano ay may idea na siya kung paano lumaban ang 20-year-old Singapo­rean prodigy.

“I learned that I should never give my back to him and that he will come to attack every second,” saad ni 34-year-old Kelly.