Una sa Balita

Kelley maharot na tulad ni Rhian

By
0 2,755

Ang cute naman, dahil hindi lang si Migo Adecer ang naging close kay Rhian Ramos dahil lately, kapansin-pansin ang closeness nila ng kapwa The One That Got Away star na si Kelley Day. Kita ito sa mga post ng dalawa sa kanilang social media accounts lalo na sa Instagram.

Kakulitan, ka-cutetan at kagandahan ang lagi nilang pinupuri sa isa’t isa. Recently nga, twinning pa sila ng suot na damit. Para saan kaya ito?

Samantala, ngayong linggo sa well-loved series ng GMA, magigising ang mga beshies sa isang isla matapos mag-crash ang kanilang eroplano. Kailangang harapin nina Alex (Lovi Poe), Darcy (Max Collins), Zoe (Rhian Ramos) at Bunny (Nar Cabico) ang gutom, mga ahas at pati na kani-kanilang mga issue habang naghihintay silang ma-rescue.

Samantala, nakahandusay sa ibang parte ng isla si Liam (Dennis Trillo). Mailigtas kaya siya nila Alex? Yan ang dapat abangan sa huling dalawang Linggo ng sexy rom-com series.

Glaiza mataray ang ganda

Taray talaga ng ganda ni Glaiza de Castro. Dito man sa Pilipinas o ibang bansa, nangingibabaw talaga ito! Sa pagbisita niya kasi sa Australia para sa isang GMA Pinoy TV event doon, bumisita ang Contessa lead star sa radio station na SBS Australia.

Habang nandoon ay nag-share ang Kapuso actress ng kanyang karanasan sa showbiz, nagkuwento tungkol sa kanyang musika, at tungkol sa kanyang favorite hobby—ang mag-travel. After Australia, saan naman kaya next mafi-feature si Glaiza?

Pepito Best Comedy Program

Wala na talagang makapipigil sa pamamayagpag ng Pepito Manaloto—sa ratings man o mga award-giving body. Muli na naman kasi itong nag-uwi ng panibagong parangal. Matapos makuha ang Best Situational Comedy Program sa katatapos lang na 2018 Platinum Stallion Media Awards of the Trinity University of Asia noong nakaraang buwan, me­ron na namang iniuwing tropeo ang GMA program.

Kinilala kasi ito bilang Best Comedy Program sa 16th Gawad Tanglaw Awards. Iba talaga ang gawang Kapuso! Saan ka pa? Unli-entertainment na, puno pa ng magagandang aral ang tinuturo.