Una sa Balita

Keempee kinuyog sa pag-apir sa ‘Showtime’

0 1,014

abante-anything-goes-jun-lalinTuesday night nang maka-chat ko sa Messenger app ng Facebook si Keempee de Leon.

Ilang oras pa lang ang nakakalipas pagkatapos ng guesting niya sa “It’s Showtime.”

Siyempre, marami ang nagulat sa surprise appearance ni Keempee sa katapat na show ng “Eat Bulaga” kung saan ay dati siyang regular at ang isa sa pinaka-poste ay ang tatay niyang si Joey de Leon.

Nasa ABS-CBN na uli kasi si Keempee at part siya ng cast ng bagong morning series na “Nang Ngumiti ang Langit” na magsisimulang umere sa March 25 bilang kapalit ng “Playhouse.”
Sa KapareWHO “dating game” segment nag-join sa katapat na show ng “Eat Bulaga” si Keempee.

Mixed ang reaction ng mga tao tungkol sa ginawang ‘yon ng anak ni Joey.

“Trending ang guesting mo sa ‘It’s Showtime.’ Marami ang nagulat na lumabas ka roon!” sabi ko kay Kimpoy.

“Talaga? Hehehe!” sabi niya.

“At least pinag-uusapan ka,” dagdag ko pa at sinagot niya ng, “Wow. Hehehe.”

Sabi ko pa kay Keempee, “At least, controversial ka!” na sinagot niya ng, “Panget ba mga comments nila?”

Sabi pa ni Keempee, part din daw ng promotions ng “Nang Ngumiti ang Langit” ang pag-guest niya sa “It’s Showtime.”

So, nagpaalam ba siya sa tatay niya bago nag-guest sa “It’s Showtime”?

“Alam niya may show ako sa ABS. Kuwento ko sa ‘yo ‘pag nagkita tayo,” sagot lang ng aktor.

Pagkatapos ng “It’s Showtime” surprise guesting na ‘yon ni Keem­pee ay nag-appear naman sila ng “Nang Ngumiti ang Langit” co-star niyang si Matet de Leon sa “Showtime Online Universe,” ang online show ng nasabing noontime show para nga mag-promote uli ng bago nilang series.

Marami naman ang tumutuligsa sa pag-appear ni Keempee sa “It’s Showtime,” pero may mga nagsasabing trabaho lang naman ang ginawa ng anak ni Joey.

Habang magkausap kami ni Keempee ay ayaw pa niyang masyadong mag-explain tungkol doon at pa­nay lang ang sabi niya ng, “But I will explain to you m side kapag nagkita na tayo!”

Well…

Regine 3 linggo mawawala sa ‘ASAP’

From May 11 to 26 naman ay mag-series of shows si Regine Velasquez-Alcasid sa Canada at Amerika, ang Songbird Sings.

Paano kaya ang “ASAP Natin ‘To” kung three weekends na nasa abroad si Regine?

Siya kasi ang pambato ngayon ng Sunday musical show ng ABS-CBN, mag-advance taping kaya si Songbird ng mga segment niya?

Anyway, noong Tuesday ay sumuporta si Regine sa celebrity screening ng “Kuya Wes” ng mister niyang si Ogie Alcasid.

Sobrang happy nj Ogie sa success ng event na ‘yon, kaya sob­rang happy rin si Songbird para sa kanyang mister.

Panay rin ang promote ni Regine ng “Kuya Wes” na nagbukas na sa mga sinehan kahapon.

Barbie inayawan na si Jak

Kung in real life ay sob­rang in love si Barbie Forteza sa boyfriend na si Jak Roberto, sa fantaserye nila na “Kara Mia” sa GMA 7 ay basted kaagad ang panliligaw ng binata sa cha­racter ni Kara.

Sa episode nga kagabi ng “Kara Mia,” binasted ni Barbie sa eksena si Jak.

But of course, sa show lang ‘yon dahil in real life ay sinasabi ni Barbie na the best thing na dumating sa buhay niya si Jak.

Kahit ang parents ni Barbie ay obvious na sobrang boto kay Jak para sa dalaga.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy