Una sa Balita

Keempee Kapamilya na, maggi-guest sa ‘Showtime’

Sey mo Joey de Leon

0 2,777

abante-paistaran-dondon-serminoMatagal nang walang project, o super ‘nganga’ si Keempee de Leon sa GMA 7. Matagal na rin siyang wala sa Eat Bulaga.

Kaya super happy ako na makitang nasa ABS-CBN na siya, at kasama sa teleseryeng Nang Ngumiti ang Langit, sa unit na pinamamahalaan ni Direk Ruel Bayani.

“Thank You Lord for the wonderful blessing. Thank you Direk Ruel Bayani and ABS-CBN. #thankful #blessed,” sabi ni Keempee.

Makakasama ni Keempee ang dati ring Kapuso na si Enzo Pineda, at pati na si Cristine Reyes.

Anyway, for sure ay masaya naman ang tatay niyang si Joey de Leon sa pagi­ging Kapamilya ni Keempee. Ang tanong lang, magi-guest kaya si Keempee sa It’s Showtime? Abangan!

Tom Rodriguez magpapaligaya ng mga Pinoy sa Korea

 

Ngayong araw na ito ay magpapaligaya si Tom Rodriguez sa “Migrants’ Arirang Multicultural Festival (MAMF)” – ang kauna-unahang GMA Pinoy TV-sponsored event sa nasabing bansa.

Magkakaroon ng special performance si Tom sa Linggo, October 7, sa culminating activities ng MAMF kung saan ay makikipag-bonding din siya sa mga Kapuso abroad.

Katatapos lang ng birthday ni Tom nitong October 1 at gusto raw niyang i-extend ang celebration hanggang sa Linggo. Kaya naman hindi na niya maitago ang excitement sa espes­yal na biyaheng ito. “This is my way of thanking all our Kapuso abroad for their support and love sa akin and sa GMA. Also, this is the first event of GMA Pinoy TV sa South Korea and I am happy that I was invited to be part of this celebration. I am very thankful, excited, and happy to be with them.”

Itinuturing na biggest annual festival sa Changwon City, South Korea, ang MAMF na gaganapin sa October 5 hanggang 7 sa Youngji Cultural Park and Sungsan Art Hall. In-organize ito ng Gyeongnam Migrant Center kasama ang GMA Pinoy TV bilang exclusive Philippine media partner at ang partner carrier nito na HD Telecom.

Samantala, mababawasan na rin ang pagka-homesick ng mga Pinoy sa Korea sa dalawang simpleng paraan. Una, maaari kayong mag-subscribe sa GMA Pinoy TV, GMA Life TV at GMA News TV International! Bumisita lang sa www.gmapinoytv.com para sa karagdagang detalye. Kung kayo naman ay gumagamit ng smartphone, maaari n’yong mapanood ang ating mga programa sa tulong ng bagong HD Telecom mobile application na Vision PH. Para ma-download ang Vision PH app, pumunta lang sa Google Play Store o App Store!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy