Una sa Balita

Keempee hindi takot kay Joey de Leon

0 653

abante-anything-goes-jun-lalinIlang weeks na ring umeere ang “Nang Ngumiti Ang Langit” kung saan ay regular cast member si Keempee de Leon.

Inusisa ko si Keempee kung nagkausap na ba sila ng tatay niyang si Joey de Leon kaugnay sa pagge-guest niya sa katapat na show ng “Eat Bulaga,” ang “It’s Showtime,” para nga sa promo ng morning series nila sa ABS-CBN, pero ang sabi niya, “Hindi pa kami nagkikita, busy rin kasi ako sa taping.”

Pero hindi ba siya sinita ng kanyang tatay?

“Hindi naman. Hehehe!” sabi ni Keempee.

Tinanong ko rin si Keem­pee kung hindi ba siya “natatakot” kapag nagkita sila ng kanyang tatay?

“Hinde. Wala naman akong gina­wang mali sa kanila e o sa kanya. Just need to move on and make a new step of my career and life,” sagot niya.

Sabi ko, “Very nice answer,” na sinagot naman niya ng, “Thanks, totoo naman ‘yun, eh. I’m sure they will understand. It’s my own decision now.”

True!

Liza hindi gugutumin ng ABS-CBN

Hindi mangyayari ang kinatatakutan ni Liza Soberano na hindi na siya bibigyan ng project ng ABS-CBN pagkatapos niyang magdesisyon na huwag nang gawin ang “Darna” movie. May teleserye na nga raw na gagawin si Liza.

Meron din daw siyang bagong pelikula sa Star Cinema. Siyempre, si Enrique Gil pa rin ang makakasama ni Liza sa dala­wang bagong projects.

Tom mahilig sa PP

Mahilig palang manood ng Tagalog movies itong si Tom Rodriguez. Nang makita ako minsan ni Tom, tuwang-tuwa niyang ikinuwento na napanood niya ako sa isang movie na ipinalabas sa isang cable network.

Nang ikuwento ko ‘yon sa isang kakilala ni Tom, sinabi nito na hilig daw talaga ng aktor ang panonood ng Tagalog mo­vies. Kahit nga laking abroad si Tom, mas gusto niya na manood ng mga Tagalog.

Piolo, Ogie, Morissette dinumog sa Dubai

Galing ng Dubai, United Arab Emi­rates si Ogie Alcasid dahil nag-show siya roon kasama sina Piolo Pascual at Morissette. Sobrang saya raw dahil sold-out ang tickets.

Pagdating pa lang daw sa airport ay napakara­ming mga fan na ang sumundo sa kanila.

Sobrang dinumog nga ng mga fan ang show na ‘yon nina Ogie, Piolo at Morissette.

Nakakaaliw si Ogie na sobra pa rin siyang natutuwa sa mga ganoong pagsuporta sa kanila ng mga fan kahit more than 30 years na rin siya sa showbiz.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy