Una sa Balita

Keempee gustong maging host ng ‘Showtime’

‘Eat Bulaga’ kakalabanin

By
0 627

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNgayong opisyal na ngang ipinakilala si Keem­pee de Leon bilang Kapamilya via new soap o­pera ng RSB Unit ni Ruel S. Bayani, ang “Nang Ngumiti Ang La­ngit,” mas lalong lumabo ang chance ng dating matinee idol na makabalik sa “Eat Bulaga,” sa GMA 7.

Kabilang si Keempee sa cast ng bagong aabangang serye na pinagbibidahan nina Sophia Riola, Cristine Reyes, Enzo Pineda, RK Bagatsing, Kaye Abad, Matet de Leon, Ces Quezada, Vance Larena, Michelle Vito, Dante Rivero, Pilar Pilapil at ang dalawa pang child stars.

Ayon kay Keempee sa interview namin ni Dondon Sermino sa live cove­rage ng presscon ng serye nila para sa “Abantelliling” (napanood nu’ng Martes ng hapon sa Facebook at YouTube ng Abante News Online) nalungkot talaga siya nu’ng sabihan siya ng management ng “Eat Bulaga” na “wala muna” siya sa nasabing noontime show ng GMA 7.

Isang taon daw ang pinaghintay niya sa pagbabakasakaling masagot ang tanong niya kung bakit hindi na siya pinabalik pa sa programa. Pero, wala nga raw sagot, kaya naman nagdesisyon na siyang lumipat ng istas­yon.

Si Erik John Salut ng ABS-CBN 2 ang nagsilbing tulay para mag-comeback si Keem­pee sa paggawa ng teleserye, matapos niyang gawin ang “Meant To Be” sa GMA 7, na mahigit isang taon na nga tapos.

At si EJ (Erik John) ang na­ging daan din para magkaroon ng posibleng comeback recor­ding project si Keempee.

Lumabas na rin si Keempee sa “It’s Showtime,” ang kalabang show ng “Eat Bulaga” at hindi niya sinasara ang pintuan sa posibilidad na ma­ging semi-regular siya sa show, kung aalukin siya para maging “hurado” sa “Tawag ng Tanghalan.”
Inamin ni ­Keempee na sumama ang loob niya sa pagkakatanggal sa kanya sa “EB” nang walang malinaw na dahilang sinabi sa kanya.

Sabi ni Keem­pee, kailangan din niyang magtrabaho dahil matagal-tagal na rin siyang nabakante, kaya nagpapasa­lamat siya na tinanggap siya ng Kapamil­ya network.

Bianca gustong yakapin ang mga basher

Kinonsensiya ni Bianca Gonzales ang mga “ha­ter” sa pamamagitan ng kanyang tweet.

“‘Yung tipong gusto kong bigyan ng big hug ‘yung mga taong may lakas loob mag-comment na ‘sana mamatay’ o ‘sana ma-rape’ ang kapwa nila, kasi baka kailangan nila ng atensyon at pagmamahal,” tweet ni Bianca.
Nauna rito ang isang tweet ni Bianca na:

“Pag may taong nag-post ng comment na ‘Sana ma-rape mga anak mo…’ alam kaya nila na mas nakakaawa sila for saying that, kaysa sa ako na gusto nilang saktan?”

Tila ang pinanggalingan ng tweet ni Bianca ay ang mga basher ng “PBB Otso” housemate na si Lou Yanong. May nagbanggit ng pangalan ni Lou sa comment ng tweet ni Bianca, na sinabihang ang housemate na ito na lang sana ang na-rape at nabalatan ng mukha.

Si Bianca kasama sina Toni Gonzaga, Kim Chiu, Melai Cantiveros, Robi Domingo at Alex Gonzaga ang host ng “PBB Otso.” Bagama’t walang binanggit na anumang pangalan si Bianca sa kanyang tweet, ipinapalagay ng kanyang mga follower na ang nasabing “PBB Otso” housemate ang kinukuyog ng ganitong masamang komento.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy