Una sa Balita

Keempee, Donita nangangamoy relasyon

By
0 3,233

Guest sa ika-8th anniversary episode ng Tonight with Arnold Clavio kamakailan ang ilang That’s Entertainment graduates na sina Ara Mina, Nadia Montenegro, Sharmaine Arnaiz, Donita Rose, Keempee De Leon, Chuckie Dreyfus, Jojo Alejar, at Isko Moreno.

Trip down memory lane nga ang nangyari sa masa­yang kuwentuhan ng mga naging alaga ng yumaong si Kuya German Moreno. On and off cam ay tuluy-tuloy ang kulitan ng mga guest ni Arnold Clavio.

Isa sa mga video clip na talaga namang ikinatuwa ng mga fan ay ang pangungulit ni Keempee kay Donita habang sinusubukan ng aktres na laruin ang ‘Bad Dog Challenge’. Hmmm, amoy relasyon ang dalawa, sabi ng iba.

Tiyak na maraming vie­wers ang napa-reminisce nang binalikan ng That’s Entertainment alumni ang kanilang memorable experiences bilang miyembro ng programa noon.

Marami nga ang nagpa­salamat sa TWAC at nagre-request na sana ay ma-guest din sa show ang iba pang That’s members. Congrats kay Igan sa 8th anniversary ng Tonight with Arnold Clavio.

Kiko hindi aatras sa banggaan kay Gil

Kasama si Kiko Estrada sa cover ng isang sikat na fashion magazine. Bilib kami sa discipline ni Kiko dahil kahit busy siya sa work ay nagagawa pa rin niyang alagaan ang kanyang katawan.

Kabilang din si Kiko sa upcoming Kapuso series na My Guitar Princess na nagsimula na ngang mag-taping kamakailan. Balita namin ay isa itong musical-romcom series kung saan makakasama ni Kiko sina Julie Anne San Jose at Gil Cuerva.

Mukhang ibang Kiko ang mapapanuod dito at excited na nga raw siyang makasama sina Julie Anne at Gil.

“Me and Julie, we are good friends. We worked together before but that was just one episode, I just guested for Pepito Manaloto. But this time there is a love angle. Gil, surprisingly, we became good friends right away. It’s fun to work with new people,” say pa nito.

Expected na ngang may rivalry na magaganap between Kiko and Gil sa serye.

Nora hindi ­nakatanggi kay Gina

Masaya si Gina Alajar na katrabaho niya ngayon si Nora Aunor sa Extraordinary Love ng GMa 7. Isang very special role ang gagampanan ng nag-iisang Superstar at para kay Direk Gina isang answered prayer talaga ang pagtanggap nito sa role.

Ayon naman kay Ate Guy, hindi raw niya puwedeng tanggihan si Direk Gina dahil kaibigan at kumare niya ito at first time rin niya itong makakatrabaho bilang direktor naman.

Masaya rin si Nora sa pakikipagtrabaho niya kina Mikee Quintos at Kate Valdez. Kasama rin sa Extraordinary Love sina Gardo Versoza, Adrian Alandy, Wendell Ramos, Rochelle Pangilinan, Jo Berry, Enrico Cuenca, Vaness del Moral at Cherie Gil.