Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

5 ABS-CBN exec lumobo sahod

0 38

Tiba-tiba ang mga top executive ng ABS-CBN Broadcasting sa pangunguna ni President CEO Carlo Katigbak  sa kabila ng pagbasura ng Kamara sa prangkisa ng dating higanteng TV network.

Sa ulat ng Bilyonaryo online news, tumanggap ng kabuuang P28.2 milyong sahod ang limang top executive ng ABS-CBN Corporation  noong 2020 at mauumentuhan pa ngayong taon ng P7.8 milyon.

Ayon sa disclosure ng ABS-CBN sa Philippine Stock Exchange, pumalo sa P138.4 milyon ang pinasuweldo noong 2020 kina Aldrin Cerrado, Laurenti Dyogi, Roldeo Edrinal, Carlo Katigbak at Ma. Socorro Vidanes.

Ngayong taon ay nasa P146.1 milyon ang nakikinitang ipapasuweldo sa lima ngunit wala pang nakikitang bonus at iba pang benepisyo.

Base sa ulat, ang limang executive ng Kapamilya network ay tumanggap ng 6 percent taas sa sahod.

Pumalo sa P13.5 bilyon ang lugi nakaraang taon ng ABS-CBN at inaasahang nasa P1.944 bilyon sa unang quarter ngayong taon.

SM food to go Banner Ad

Nanibak rin ang kompanya ng halos 40 porsiyento o 4,552 empleyado at 2,672 sa mga ito ay regular.

Inaaasahan pa ang pagbagsak ng kita ng ABS- CBN  ngayong taon na naitala sa 78% o P929 million sa unang quarter ng 2021 sa kabila ng pag-ere ng ilang programa nito sa TV5 at A2Z channel.

Si Katigbak ang president and chief executive officer ng ABS-CBN.

Si Cerrado ang head ng Global at dati ring chief financial officer ng kompanya at si Vidanes naman ang chief operating officer para sa broadcast.

Namumuno sa Star Magic, ang talent management company ng ABS-CBN si Dyogi at si Edrinal naman sa Dreamscape Entertainment, ang gumagawa ng mga teleserye at iba pang palabas ng ABS-CBN. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.