Una sa Balita

Keber sa mga hater: Julia super like sa mga IG post ni Gerald

0 565

Huli ka balbon! Huli ka, pero hindi ka kulong!

‘Yan ang chika ng mga hater ni Julia Barretto!

Eh kasi nga, itong si Julia, parang ‘naninirya’ talaga, dahil alam naman niyang binabantayan ng mga galit na galit sa kanya na mga fan ang lahat ng kilos niya sa social media, hayun nga at super ‘like’ talaga siya sa mga latest Instagram post ni Gerald Anderson.

Anyway, may bago ngang pinagkakaabalahan si Gerald ngayon, at ‘yun ay ang maging tagapagsalita ng Scout Rangers, para ipalaganap ang kapayapaan, pagkakaisa sa bawat isa sa atin, at tungkol na rin sa pagiging dapat ay maging aware sa terorismo.

Sa latest IG post niya, todo uniform pa ang ex-boyfriend ni Bea Alonzo, habang nagsasalita sa harap ng mga tao.

“This country (heart and Philippine flag emojis). Very honored to be able to go home (GenSan) and bring awareness about peace and terrorism issues. Terrorist recruitment of our youth through social media… be careful of false information… dapat lagi tayo mag-research bago mag-decide on what to believe… civilians, celebrities, News Channels lets be responsible on what we take & put on social media and other media accounts … we have to stay united as a country … #teamworkmakesthedreamwork Mabuhay #scoutrangers,” caption pa ni Gerald.

Pero teka lang, paano raw magiging epektibo si Gerald sa ginagawa niya kung ang social media account niya ay limitado lang ang puwedeng magbigay ng mensahe? Kumbaga, hinaharang niya ang mga mensahe na gustong ipabasa sa kanya?

Well…

(Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy