Una sa Balita

Keannu Reeves, Alexandra Grant nagkakamabutihan

0 382

Marami ang nasurpresa nang hayagang isinama ni “John Wick” star Keanu Reeves bilang ka-date ang 46-anyos na si Alexandra Grant, at masayang nagpa-picture sa red carpet ng LACMA Art + Film Gala sa Los Angeles, California.

Ang sabi, halos tatlong dekada nang walang karelasyon si Keanu. Huling nakarelasyon ng 55-anyos na A-list star ay si Jennifer Syme (na namatay sa car crash noong April 2001), at na-link din siya kina Amanda De Cadenet, Sandra Bullock and Claire Forlani.

Unang umugong ang mga tsismis na nagkakamabutihan sina Reeves at Grant nang may kumalat na photo nila together kung saan nakadantay pa ang ulo ni Alexandra sa balikat ni Keanu sa isang sushi bar sa LA nitong Oktubre lang.

Tamis-tamisan ngayon ang dalawa at halatang masaya sa isa’t isa dahil halos hindi umano sila mapaghiwalay at laging magkahawak kamay.

Matagal nang magkakilala ang dalawa dahil nag-collaborate sila para sa mga librong “Ode To Happiness” at “Shadows”. Co-owners din sila ng X Artists’ Books publishing house na tinatag nila noong 2017. (Jun Lopez)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy