Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kean fashion illustrator ng Samar

0 246

Isa na namang kabataan ang ating nakausap na nagmula sa Samar na bibigyan natin ng pagkakataon na sumikat at makilala sa angking talento sa pagguhit at pagdisenyo ng mga damit.

Siya si Kean Frank Cabero nakatira sa Samar, 21 anyos. Anim silang magkakapatid.

Lumaki sa Samar si Kean Frank kasama ang kanyang auntie at lol ana siyang nagpaaral at nagpalaki sa kanya kasama ang kakambal niyang kapatid.

Malaking utang na loob ang kanyang tinatanaw sa mga sakripisyo na mga kaanak na nag-alaga sa kanila at umaasang masuklian balang araw.

Grade six pa lang ako daw si Kean Frank ay nagbebenta na siya ng mga candies sa school para may pambaon at pambili ng tablet ko hanggang nakatungtong ng kolehiyo dahil sa diskarte sa buhay.

Nagtrabaho siya bilang service crew sa isang sikat na fast food chain para may panggastos sa mga school project kaya sobrang hirap ang kanyang pinagdaanan.

Kaya nangako ito sa sarili na magtatapos ng pag-aaral kahit wala sa tabi ang mga magulang tutuparin ang mga pangarap.

Isa sa kanyang pangarap ay ang maging isang sikat na fashion designer. Nagsimula raw siyang magka- interes sa pagguhit ng mga damit nung napanood ang kwento ng buhay ng isang sikat na fashion designer sa ibang bansa na si Rocky Gathercole.

Siya ang kauna-unahang fashion designer na kanyang nakikilala dahilan kung bakit siya kumuha ng kurso sa kolehiyo na Clothing and Fashion Design.

Bata palamang talaga raw sya ay mahilig na siyang gumuhit ng mga kung anu-ano. Hanggang sa nakita niya ang mga gawa ni Rocky Gathercole at sinubakang gawin ang mga ginuguhit niya. Doon nagsimula ang kanyang hilig ko sa pagdidisenyo ng iba’t- ibang damit.

Maging si Michael Cinco ay nagsilbi ring inspirasyon sa kay Kean Frank para abutin ang pangarap.

Sa personal aniyang antaas ay isa sa mga nagtulak sa kanya na ipagpatuloy ang pagdidisenyo ay ang mga kaibigang naniwala sa kanyang potensiyal bilang fashion illustrator kaya lalo niyang pinaghuhusay.

Kaya bilang adbokasiya sa mga kababayang nais magtagumpay sa larangang kanilang pinasok ay hangad nating makilala sila hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo kaya dapat lamang na Pasikatin Natin Sila.

Leave A Reply

Your email address will not be published.