Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KD perpekto sa balik laro

0 33

Matapos ang halos dalawang buwan, nakabalik din sa laro si Kevin Durant.

Kumayod agad ang dating two-time Finals MVP para tulungan ang Nets sa dambuhalang 139-111 panalo laban sa New Orleans Miyerkoles ng gabi sa Barclays Center.

Feb. 13 pa huling naglaro si KD laban sa dating team na Golden State. Iginarahe siya ng hamstring injury, bukod sa mina-manage din ng Nets ang kanyang minuto para makarekober nang husto mula sa torn Achilles na nakuha noong 2019 NBA Finals habang nasa Warriors pa.

Off the bench na tinawag ni coach Steve Nash ang numero ni Durant. Ayaw pa ring biglain ni Nash ang kanyang star.

Sa loob ng 19 minutes, parang hindi nawala sa court si KD.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Naglista siya ng perpektong 5 of 5 field goals tungo sa 17 points, may 7 rebounds at 5 assists.

Nakabalik si Durant, pero si James Harden naman ang gagarahe ng mula 10 araw dahil sa right hamstring strain.

Pinamunuan ng 24 points, 6 assists ni Kyrie Irving ang Brooklyn, may 22 points si starting center LaMarcus Aldridge.

Mula sa labas ng arc ay 19 for 41 ang Nets, katiting na 6 for 27 lang ang New Orleans.

Binitbit ng 26 points ni Eric Bledsoe ang Pelicans, naka-16 points lang si Zion Williamson. (VE)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.