Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KD, Irving, Harden binusalan Celtics

0 188

PINATAHIMIK ng Big 3 ng Brooklyn ang 17,226 full-house crowd ng Boston sa TD Garden Linggo ng gabi nang itakbo ng Nets ang 141-126 win sa Game 5 ng Eastern Conference first-round series.

Tumabo ng 42 points si Kevin Durant, may 39 points at 11 rebounds si Kyrie Irving, tumapos ng 23 points at career postseason-high 18 assists.

Sa 3-1 lead, puwede nang isara ng Nets ang series paglipat ng Game 5 sa Barclays Center sa Miyerkoles (araw sa Manila).

Palabas na ng court si Irving pagkatapos ng blowout win, nahagingan siya ng plastic bottle na ibinato mula sa stands.

Sa television broadcast, makikitang nakatingin si Irving at teammate Tyler Johnson sa stands. Sa video na kumalat sa social media, kita ang isang lalaking nakasuot ng Kevin Garnett jersey, naka-posas at bitbit ng pulis.

“Fans have got to grow up at some point,” ani Durant.

Pinantayan ng 104 points nina KD, Irving at Harden ang NBA playoff record para sa tatlong teammates na iniskor ni Celtics John Havlicek, Jo Jo White at Dave Cowens noong 1973 at nina Dominique Wilkins, Randy Whitman at Spud Webb ng Hawks noong 1986.

Humarabas ng 40 points si Jayson Tatum sa Boston, may 16 points at 9 assists si Marcus Smart. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.