Una sa Balita

KD aalis sa Golden State?

By
0 692

HINDI kumagat si Kevin Durant sa pain nang subu­kan siyang lansihin para sabihin kung sino ang gusto niyang maging kakampi sa mga teammate sa All-Star Game nitong Linggo sa Charlotte.

Umiskor si Durant ng 31 para bitbitin ang Team LeBron sa 178-164 panalo kontra Team Giannis.

Kakampi ni KD sa team ni LeBron James sina Kawhi Leonard, Kyrie Irving at Klay Thompson – tulad ni Durant ay susubok­ sa free agency sa July.

Hindi inaasahang tatapusin ni Durant ang final year ng kanyang kontrata sa Golden State na nagkakahalaga ng $31.5 million. Marami ang humuhulang magi­ging free agent siya pagkatapos ng season.

Tinanong siya ng ESPN kung sino sa mga kakampi niya sa Team LeBron ang na-enjoy niyang kalaro.

“Every one of them,” safe niyang sagot. “I think every one of these guys, you can relate to them on a different level. A lot of these guys come from the same background and same circumstances, so you relate to them on a different level.”

May salary cap space na ang Los Angeles Lakers­ ni James para habulin ang high-profile player tulad ng kalibre ni Durant.

Magkaka-level daw ang skills nila ng mga nasa Team LeBron, kaya abang-abang na lang sa sulok para bigyan ng set-up 3.

Kaya ang mga nanggigigil makarinig ng kompirmasyon mula kay KD kung saan siya lilipat, abang-abang din hanggang summer.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy