Una sa Balita

KC tinalakan ang fan na nagsabing anak niya si Miel

0 534

Deleted na ni KC Concepcion ang rep­ly niya sa isang Instagram ba-sher niya. Dinelete rin kasi ng basher ang post niya.

Bukod kay KC, nag-comment din ang iba pa niyang mga IG follower sa nang-bash kay KC kaya nakuyog din ito. Sumagot si KC na how amusing daw kung paano ginawan ng isyu na anak niya ang kapatid na si Miel. Nang ipa-nganak daw si Miel sa Pilipinas ay nasa Paris naman siya.

Si Lea Salonga ay sumagot din sa ba­sher ni KC ng “More like stupid”.

May isang basher naman na nag-comment kung bakit daw pinipilit ng iba na anak ni KC ang kapatid, e, kamukha raw ito ni Sen. Kiko Pangilinan. Though, tingin naman namin, mas kamukha ni Miel ang Megastar na si Sharon Cuneta.

Umuwi si KC mula sa ibang bansa para maka-attend ng high school graduation ng kapatid. Dahil dito, mas binigyan ng malisya ng basher niya.

Sa isang banda, parang may kilala kaming ganyan ang ginawang set-up sa anak, pero hindi si KC, ‘no!

Solenn kinilig sa landian nina Derek, Andrea

Napanood na si Solenn Heusaff bilang si Lianne sa primetime romcom serye na “Love You Two” bilang ex-girlfriend ni Gabby Concepcion at magkakaroon ng kaugnayan dito at siyempre, sa cha­racter ni Jennylyn Mercado.

May pagka-bohemian look si Solenn kaya nga makikitang may nose ring pa ito na parang gusto raw niyang ituloy-tuloy na kahit hindi sa LYT.

Speaking of ex, ang ex-boyfriend niya rin na si Derek Ramsay ay isa nang Kapuso pero hindi pa raw niya ito nakikita bilang Kapuso. Magkaibigan naman daw silang dalawa. Na-meet na rin daw niya ang girlfriend nito na si Joanne.

“Yeah, past naman ako. Bakit may problema ba? I mean, past is past. When I was with Derek, wala naman si Nicko (Bolzico).”

May posibilidad na magkasama silang dalawa sa GMA.

“Tingnan natin pero exci­ted ako sa kanilang dalawa ni Andrea (Torres). Parang ang lakas ng chemistry nila, nakita ko ‘yung GMA summer special nila, sabi ko wow, parang may something sila. Kinikilig ako,” natawang sabi pa ni Solenn. (Rose Garcia)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy