Una sa Balita

KC proud girlfriend: Apl.de.ap tumulong sa mga may sakit sa Pampanga

0 1,079

Ang magbigay tulong sa mga kababayan ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpapa­balik-balik sa Pilipinas si Apl.de.ap. Hindi lang dahil sa gusto niyang magtrabaho, kumita, samantalahin ang pagkakataon na marami siyang offer dito sa Pilipinas.

Noon pa man, ramdam na ng mga Pilipino ang kabaitan ni Apl.de.ap. Hindi mayabang, na bagama’t ibang lengguwahe na ang lumalabas sa kanyang bibig, Pinoy na Pinoy pa rin ang puso nito.

At kahapon nga, mu­ling ipinaramdam ni Apl.de.ap ang pagmamahal niya sa mga Pilipino.

“Last year my foundation donated our se­cond retinal camera as part of the Apl of My Eye program for the Apl.de.ap Foundation. This was given to the San Fernando Hospital in Pampanga.

“Thank you to ­everyone who helped make this happen. I love you guys #appleofmyeye,” mababasa na caption sa IG post niya na kasama niya ang mga kapwa Pinoy, pati na ang mga bata na may mga sakit.

Siyempre, makikita ang agad-agad na reaksiyon ni KC Concepcion, ang napapabalitang dyowa ni Apl.de.ap ngayon. Mga emoticon (mga kamay na pumapa­lakpak) ang mensahe ni KC sa post na ‘yon ni Apl.

Siyempre, puring-puri, at puno ng pasasalamat ang ipinarating ng mga kababayan natin sa mahusay na ­singer, rapper.

Sabi nga ni missbelle781279: “Salamat Kuya. Salamat din at marunong ka lumingon sa pinangalingan. You are a reminder to us all expats not to forget to give back.”

Sana ay dumami pa ang mga katulad ni Apl.de.ap. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More