Una sa Balita

KC-Piolo movie tuloy na?

0 532

“Something is up my slit. I mean, sleeve. Big announcement coming soon!”

Ganyan ang paandar ni KC Concepcion sa bagong Instagram post niya. At ang wish ng mga fan, pelikula with Piolo Pascual na ‘yan.

Desperado na nga ang mga fan na makitang magkasama sa isang screen sina Piolo at KC, ha! At oo nga, maganda sana kung ‘yon na ang ia-announce niya.

***

Paghihirap ni Lola sa Parola bubusisiin ni Atom

Isa sa pangunahing dahilan ng patuloy na isyu ng pabahay sa Pilipinas ay ang pagdagsa ng mga Pinoy mula sa iba’t ibang probinsya papuntang Metro Manila sa kagustuhang guminhawa ang buhay.

Sa pagpapatuloy ng 20th anniversary special ng “I-Witness” ngayong Sabado, bibisitahin ni Atom Araullo ang ilan sa mga lugar sa Maynila kung saan nagsisiksikan ang mga taong naghahanap ng kasagutan sa kanilang kahirapan.

Makikilala niya rito sina Lola Christina at si Lalyn.

Nakatira ang sitenta’y anyos na si Lola Christina kasama ang kanyang may sakit na asawa sa Parola, Tondo. Nangangalakal siya bilang pantustsos sa gastusin nilang mag-asawa. Mahigit tatlumpung taon na siyang nasa Maynila.

Ang labing siyam na taong gulang na si Lalyn naman ay kakatapak lamang sa Tondo nitong buwan ng Hunyo. Sa ilang buwang pamamalagi niya rito, nakakuha siya ng trabaho bilang saleslady sa Divisoria. Pero dahil sa mababang suweldo, nakikisiksik siya sa maliit na espasyo sa Aroma kasama ng kanyang pinsan.

Gusto nang bumalik ni Lola Christina sa Bicol at ni Lalyn sa Butuan.

Sa kaso ni Lola Christina, mahihirapan na raw siya dahil may sakit na ang kanyang asawa. Si Lalyn naman, nagbabaka-sakaling makakuha ng mainam-inam na trabaho para may maiuwing pera sa probinsya.

Pareho silang biktima ng maling akala na ang Maynila ang magpapaginhawa sa kanilang buhay.

Pero may iba namang gumanda ang sitwasyon. Mula sa miserableng pamumuhay sa ilalim ng tulay, nakatira na ngayon si Nida Navelino kasama ang kanyang pamilya sa Laguna. Nai-relocate sila ng National Housing Authority isang taon matapos maipalabas sa “I-Witness” ang kanilang kuwento taong 2006.

Samahan si Atom sa dokumentaryong “Dito sa Lungsod” ngayong Sabado sa “I-Witness”.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy