Una sa Balita

KC nangongolekta ng mga alak

By
0 3,483

Sa tagal tumira ni KC Concepcion sa Paris, France noong nag-aaral pa siya, hindi niya ikinakailang nahilig siya sa wine mula sa lugar na ‘yon.

Marami na rin daw siyang natikmang red at white wine at ngayon nga ay nag-decide siya to build a wine collection.

Actually, madalas na sabihin na good for the heart ang wine, kaya mukhang maganda naman ang bagong collection na ‘yon ni KC, huh!

Sabi nga pala ni KC sa kanyang post sa kanyang Instagram account (@itskcconcepcion), “I don’t quite understand Spanish wine… Yet, I’ve tasted a great Israeli red, and discovered a fresh unexpectedly good white from Santorini.”

I just wonder – no’ng time kaya na nag-shooting sila ni Richard Gutierrez ng For The First Time sa Greece niya na-discover ‘yung good white wine from Santorini?

Sa tingin ko naman, moderate drinker itong si KC, kaya nice na mag-collect siya ng iba’t ibang wine.

Tomboyitang showbiz personality kinatatakutan ‘pag lasing

Speaking of wines, kakaiba naman ang showbiz personality na ito.

Patikim-tikim siya sa una ng wine at okey lang naman, pero kapag sobra na ang nainom, kakaiba na ang tama sa kanya ng wine, huh!

Nagiging tactless siya.

Kung ano-ano ang nasasabi niya at nabubuking din niya ang ilang sikreto ng kanyang mga kaibigan kapag lasing na siya.

Ang ugaling ito ni showbiz personality (na napagkakamalang tomboyita ng iba) ang dahilan kung bakit kapag nakakainom na siya ay medyo umiiwas na sa kanya ang ibang mga celebrity na kilalang close sa kanya. (Jun Lalin)

Ruffa eeksena sa EDDYS Awards

Nasa Hong Kong si Ruffa Gutierrez nang i-message ko siya para sabihin na gusto ng mga taga-SPEED (Society of Philippine Entertainment Editors) na siya ang mag-host ng EDDYS Awards Night on July 9 na gaganapin sa Solaire.

Nang malaman nga ni Ruffa ‘yon, natuwa naman siya at tsinek kaagad ang kanyang calendar para sa kanyang availability.

Nang sabihin ko sa SPEED president na si Ian Fariñas na okey si Ruffa sa araw na ‘yon, natuwa siya at ibabalita na nga sa mga kasamahan niya sa nasabing association of entertainment editors.

Ang magiging co-host naman ni Ruffa sa nasabing awards night ay inaayos na lang ang schedule at malamang na by this week ay ma-confirm na rin ang availability.