Una sa Balita

KC nanawagan ng tulong sa mga biktima ng lindol

0 504

Luma na ang picture ni KC Concepcion na kumalat sa social media na kinakamayan ang mga taga-Mindanao. Eh, sa location kasi, South Cotabato ang nakalagay kaya may nagtanong sa kanyang netizen kung kelan kinunan ang litrato.

Tugon ni KC, “Through the years of visiting Mindanao dear.”

Matagal nang bumibisita sa Mindanao si KC bilang UNICEF ambassador. Pero sa post niyang ‘yon, nanawagan din siya ng tulong para sa kababayan nating biktima ng lindol.

“My heart goes out to the people of Mindanao affected by the recent earthquakes.

“I’ve met so many warm, courageous, wonderful people in the years of visiting schools and communities in this area. It breaks my heart to think that the people in Mindanao are suffering right now, not due to tribe conflict but this time, natural disaster,” bahagi ng caption ni KC.

Sa bandang huli, saad ni KC, “They need our help and our strength.”

Maging maingat lang sa pagbibigay ng donasyon, in cash or in kind man ‘yan, dahil baka matulad ‘yan sa donasyon sa Yolanda victims, huh!

***

Paggiling ni Marian benta kay Dingdong

Nagpasiklab ng sayaw si Marian Rivera to the tune of her hit song “Sabay Sabay Tayo” habang naglalayag sa Loboc River sa Bohol.

Nagbakasyon ang pamilya Dantes sa Bohol kaya nagkaroon din sila ng chance na pasyalan ang ilang atraksyon sa probinsya.

“Wala talagang kupas!” bahagi ng caption ni Dong sa Instagram sa pagsayaw ng asawa.

Sa mga photo na inilabas ng mag-asawa kasama ang mga anak na sina Zia at Ziggy, beautiful family ang iisang komento ng netizens.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy