Una sa Balita

KC nag-ala-Sarah Geronimo, nagsalita tungkol sa ‘burnout’

By
0 5,916

Nag-lip sync muna si KC Concepcion ng kanta ni Sarah Geronimo sa kanyang Instagram stories. And then after that, nag-dialogue na siya sa dahilan kung bakit siya nawala sa showbiz.

Sabi ni KC, tatlong taon na ang nakalipas mula nung nagpasya siyang magpahinga na muna sa showbiz. Oo nga naman, walang pelikula, walang teleserye. At paminsan-minsan na lang nakikita bilang host sa mga pageant.

Inamin niyang miss na miss na niya ang showbiz, at ang mga katrabaho niya, o mga taong nakakasalamuha niya sa showbiz.

At siyempre, hindi raw basta-basta mawawala ‘yon sa kanya, at mukhang open din naman siya sa pagbabalik sa paggawa ng pelikula, teleserye.

“They say once in showbiz, always in showbiz,” say pa ni KC.

Pero, giit ni KC, sobrang nai-enjoy nga raw niya ang buhay niya ngayon na mas may privacy na siya. Hindi nga raw tulad noon na lahat na lang nabubulatlat sa buhay niya.

“What I wanna share is that I truly really enjoy my privacy now.”

Binalikan nga ni KC ang sobra-sobrang pagtatrabaho raw niya noon. At naiintindihan nga raw niya ang sitwasyon ng mga kasamahan niya sa showbiz na nabi-burnout, o exhaus­ted na sa sobrang pressure, at trabaho.

Ang dasal nga raw ni KC ay malampasan ng mga kaibigan niya, na siyempre pa, tulad ni Sarah, ang sitwasyon. Ang mga kaibigan, mga taong nagmamahal, sila raw ang dapat sandalan ng mga taga-showbiz na nasa ganung kundisyon.

At sabi ni KC, mabisa raw ang mga linyang ‘How are you?’ na pang­gamot para sa mga taong nakakaramdam ng ganun. Dahil doon nga raw, nararamdaman mong importante ka, mahal na mahal ka, at nag-aalala sila sa buhay mo.