Una sa Balita

KC Montero, pinaglaruan ang mister ni Solenn 

By
0 5

Pinatunayan ni KC Montero na hindi lang siya mahusay na kontrabida dahil pasado rin siya bilang isang comedian. Sa recent Instagram post kasi nito, good vibes ang ipinamahagi niya dahil featured dito si Nico Bolzico, ang asawa ng co-star niya sa Alyas Robin Hood na si Solenn Heussaff.

Aliw kami sa ‘abs filter’ na ginawa niya habang pinakikita ang video ni Nico at siya ang nagbo-voice over. Pak na pak ang pagpapatawa rito ni KC, in fairness!

Sa katunayan, as of writing, me­ron na itong almost 10,000 views. Sino kaya ang susunod niyang ipi-feature? At isa ring inaabangan namin ay kung ano kayang say dito nina Nico at Solenn?