Una sa Balita

KC may class ang pagiging daring

0 681

Matapos magpakita ng kanyang mala-papayang laki ng dibdib sa social media, ang hubo’t hubad namang katawan ni KC Concepcion ang ibinalandra nito sa kanyang Instagram post.

Nagiging palaban sa hubaran nitong mga nakaraang araw si KC na ipinagtataka ng kanyang mga tagahanga at ikinabibilib rin ng mga ito sa kanya.

Hindi pa kasi humuhupa ang “pa-bundok” ni KC sa pictorial niya kung saan nakalantad ang kalahati ng kanyang boobs, eto at nagpasilip na rin ang anak ni Sharon ng kanyang pigura na tanging “lace” lang ang suot niya sa katawan.

Isang throwback photo ang nasabing posting ni KC para sa isang brand of liquor na iniendorso nito.

Bagama’t naloloka ang netizen sa pagiging feisty o walang takot na anak ni Sharon Cuneta, inuulan rin ito ng mga papuri sa kanyang natatanging kagandahan.

Mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nagbabago ang itsura ni KC. Mas lalo pa itong gumaganda habang tumatagal.

Hinahangaan ng lahat ang kanyang confidence, free-spirit character at taste.

Sa mga daring beauties sa social media, tanging si KC lang ang may class.

Erich may pa-flower, chocolate sa b-day ni Dina

Pinasaya nang husto ni Erich Gonzales si Dina Bonnevie sa kaarawan nito nang magparamdam ang aktres ng kanyang presence sa huli.

Naka-post sa Instagram wall ni Dina ang pulang bouquet of flowers, chocolates na pawang ipinadala ni Erich sa kanya.

Nasorpresa nang husto si Dina at sinabi nito sa sinulat niyang caption na pinasaya ng Kapamilya star ang kanyang araw sa gestures nito.

Hindi lang isang larawan ng gift ang pinost ni Dina, kundi iba’t ibang anggulo ng bulaklak at chocolates.

Sa kasiyahang naramdaman ni Dina, hindi lang ito nagpasalamat kundi nagsabi pa ito ng “I love you so much” kay Erich na tugon nito sa pag-a-I love you message sa kanya ng huli sa birthday greetings sa card.

Nagkasama sina Dina at Erich sa nagwakas na seryeng “Blood Sisters”. At dito nabuo ang friendship ng dalawa.

Claudine, anak pinuna sa ospital

Pinuna si Claudine Barretto ng isa niyang follower sa pagsasama nito ng kanyang maliit pang anak sa ospital.

Naka-post sa Instagram ni Claudine ang photo nila ng kanyang 4-year-old adopted kid na si Quia.

Nakatalikod sa kamera ang mag-ina habang nakaharap sa pintuan ng ICU, kung saan naroon ang kanyang may sakit na ama.

Naka-pajama sina Claudine at ang anak nito na nasa akto na papasok sa loob ng ICU.

Nag-comment ang isang follower ng aktres sa patakaran ng mga ospital para sa mga bata.

@im_adiktus007, “Below 7 years old is not allowed inside..praying for your father fast recovery.”

Nagtanggol naman ang isang fan ni Claudine sa larawan.

@mayvicflores, “@im_adiktus007 I think she knows your concern because it’s posted on the entrance side door all the prohibited signed.”

Mabilis namang naglinaw si Claudine sa reply comment nito at sinabing hindi niya isinama sa loob ang anak.

@claubarretto, “@i_adiktus007 hinatid lang po ako. Kids are not allowed po.”

Humihingi pa rin ng dasal si Claudine sa kanyang mga supporter para sa kanyang ama.

Sa pagpapasilip ni Claudine sa estado ng daddy niya sa IG photo post nito, naka-oxygen na ang matanda at nasa monitoring na ito ng mga medical staffs ng ospital.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy