Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KC mas type kasama anak ni Gabby

0 128

Marami ang natuwa sa photo na pinost ni KC Concepcion sa Instagram na kasama niya ang kapatid na si Samantha (anak ni Gabby Concepcion).

Naaliw ang mga netizen dahil sa effort ni KC na magtuluy-tuloy ang closeness sa mga kapatid.

“There is family, and there are kindred spirits. Love you @samanthaconcepcion,” sabi ni KC na ramdam ang pagmamahal sa kapatid.

Anyway, marami rin ang pumuri sa ganda ni Samantha.

‘Yun nga lang, ayaw pa ring tumigil ng mga basher dahil nagpatutsada na naman sila sa mga kapatid ni KC sa inang si Sharon Cuneta (Frankie, Miel Pangilinan, mga anak ni Sen. Kiko Pangilinan).

Sabi pa nila, halata raw na mas type kasama ni KC ang anak ni Gabby, kesa anak ni Sharon kay Kiko.

At ang nakakaloka, giit pa nila, mas maganda raw ang mga anak ni Gabby kesa sa mga anak ni Kiko. Kaloka, di ba?

Kamay ni Gelli nilait
SM food to go Banner Ad

Sinopla ni Gelli de Belen ang netizen na sumita sa kanyang mga kamay at nagbigay pa ng suggestion na magpataba ng konti para hindi magmukhang buto’t balat ang kamay ng aktres.

Nagpasalamat si Gelli sa pamamagitan ng video post sa Instagram sa ayudang lunch na ipinadala sa kanila ng isang food seller. Makikita sa video ang mga kamay ni Gelli.

@deguzmananniemarie, “Hello Ms. Gelli, yummy food. Sana po you gain more weight para mas pa ang beauty mo and especially pagandahin mo at bigyan ng pansin na maging maganda o smooth ang iyong mga kamay. I love you Ms. Gelli. Wish ko po on your coming birthday na maraming projects ang dumating sa iyo. Praying much for it. Love much.”

“@deguzmananniemarie, salamat. I get to read your comments and appreciate the interest and care. I love myself as I am and I am very happy about how I look and my old vein-y and bony hands. No need to focus on all of that unless they are threating my health and well being. Thanks for the suggestions, but i try to prioritize what is it essential to me,” sagot ni Gelli.

Karylle naloka sa blond hair ni Zsa Zsa

Naloka si Karylle at mga kaibigan sa showbi ni Zsa Zsa Padilla sa bagong hair make over niya. Makikita sa IG ang bagong kulay na buhok ni Zsa Zsa.

Nagsisigaw sa sorpresa si Karylle nang makitang blonde na ngayon ang kanyang ina. Nag-iba ang itsura ni Zsa Zsa, nagmukhang foreigner dahil sa buhok. Aprub naman halos lahat sa make over ng singer.

Blondie nga ang tawag ngayon kay Zsa Zsa sa kanya.

Leave A Reply

Your email address will not be published.