Una sa Balita

KC malungkot kahit mayaman

0 827

All the good ang hinihingi ni KC Concepcion sa Diyos ngayong taong 2020. Sa post ni KC ng kanyang whole body photo sa Instagram, heto nga ang caption niya.

“Dear God pls bless this year & grant me all the good I’ve ever hoped for #2020vision.”

Mukhang may pinagdadaanan ang panganay na anak ni Sharon Cuneta kaya ganito ang kanyang mensahe. Sa likod ng mga masasayang posting niya sa kanyang social media account at sa mga magagandang pictorial niya, hindi pala smooth-sailing ang personal life ng aktres-jeweler.
Pero ang sigurado ay mayaman pa rin si KC at hindi nito puproblemahin ang pera kahit hindi siya mag-artista. Sa nauna niyang posting sa Instagram na hawak ang kanyang salamin, sinabi ni KC na nagdeposito siya sa banko kasabay nang pakikipag-usap sa kanyang banker.

“Me after financial planning sitting with my banker, making deposits, planning out a budget for the next 6 months. Everyday teaches us something. Every mistake a learning experience. #adulting,” sabi niya.

Jake pinakaguwapo sa lahat ng anak ni Erap

Ipinagmamalaki ni former Senator Jinggoy Estrada na ang paternal half-brother niyang si Jake Ejercito ang pinakaguwapo sa kanilang lahat na magkakapatid.

Ayon sa tsikahan namin ni Jinggoy, nanghihinayang siya kung hindi mag-aartista ang kapatid, kaya naman kinumbinse niya itong sumama sa pelikula niyang “Coming Home” na comeback movie niya matapos ang pitong taon na pamamahinga.

Kinausap niya nang masinsinan ang kapatid para sa debut film acting nito dahil taglay nga raw nito ang katangian ng isang artista.

“Kung ganon lang ako kaguwapo, ewan ko na lang,” natatawang sabi ni Jinggoy.

Nire-require lang niya na mag-acting workshop si Jake para hindi ito mangapa kapag humarap na sa kamera.

Hindi raw alam ng tatay niyang si former Manila Mayor Joseph Estrada ang pagpasok ni Jake sa showbiz. Rason ni Sen. Jinggoy, malalaki na sila at may sari-sarili na silang isip.

Ang “Coming Home” ay ididirehe ni Adolf Alix, Jr. at line produce ng ALV Films ni Arnold Vegafria.

Enrique gumaan ang kalooban sa ‘I love you’ ni Liza

Punong-puno ng pagmamalasakit na “I Love You” ang kinomento ni Liza Soberano sa kanyang kasintahang si Enrique Gil sa Instagram posting nito ng larawan. Namatayan ng tita si Enrique at ang pagpu-post niya ng group photo nila ay para magbalik-tanaw sa pagmamahal niya sa kanyang tiyahin. Ang “I love you” message ni Liza ay isang paraan para damayan at ipaalam kay Enrique ang kanyang suporta.

Marami ang nag-comment ng kanilang “condolences” sa Kapamilya actor, pero marami rin ang kinilig sa mensahe ni Liza. To date, nananatiling matatag ang relasyon nina Liza at Enrique, pati na kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More