Una sa Balita

KC maligaya sa bagong dyowa na foreigner

By
0 1,921

Four months after na maghiwalay sila ni Aly Borromeo, inamin ni KC Concepcion na masaya ang mundo niya ngayon dahil sa isang non-showbiz guy na ka-date niya ngayon.

Ayon pa sa 33-year-old na anak ni Sharon Cuneta, boto ang kanyang pamilya sa bago niyang special someone at okey naman daw sila ng pamilya ng non-showbiz guy na ito.

Hindi Pinoy ang bagong inspirasyon ni KC pero hindi naman ito problema sa kanya at sa parents niya as long as mahal siya nito at nirerespeto siya.

Wala pang ibang detalye na ikinuwento si KC tungkol sa foreigner na ito pero ang masasabi lang niya ay pusong Pinoy ito.

Siguro naman, one of these days ay irarampa rin niya ito sa mga showbiz event kaya marami na ang excited na makita ito up close and personal.

Anyway, kung saan masaya ang panganay ni Shawie, siguro naman ay dapat ma­ging masaya rin tayo dahil kung hindi man naging successful ang mga relasyon niya sa mga taga-showbiz na Pinoy, malay naman na sa afam na hindi artista pala nakatalaga ang kanyang kapalaran, noh!

Oo nga naman.