Una sa Balita

KC, Maja kabugan ng emote sa dagat

By
0 5,017

Parang may contest between KC Concepcion at Maja Salvador, ha! Labanan ng escapades nilang dalawa.

Ang #MSescapade ang pa-hashtag ni Maja. At #Kacecapades naman ang kay KC.

Mula Maldives ay dumiretso sa Amanpulo sa Palawan si Maja. Si KC naman ay mahi­git isang linggo na yata na nasa Siargao.

Abante Hiring – IT dep

Sunod-sunod ang mga photo na pino-post nila. May paseksi, may pa-emote, at may sobrang nakakatawa ang itsura nila.

Heto ang mga pa-caption ni Maja sa mga photo niya:

Happy Tuesday! #MSescapade. Girls just wanna have fun #MSescapade. Happiest color. Orange. May taga-picture na ako! #MSescapade. Smell the sea.
Feel the sky. Let your soul and spirit fly. #MSescapade.”

Bongga naman ang mga pa-caption ni KC. May mga quotation na nagsasabi ng present na estado ng buhay niya.

“#KacecapadesSIARGAO. We wandered in no-signal nation & filled up our life tanks with tons of laughter, new adventures, rekindled friendships, local explorations, limited expectations & many surprises… Who cares if it rained on my birthday? We ate, danced, laughed, created new French words (or Frenchified Filipino gay terms no thanks to @frankbriones) & planned a yoga session c/o @ninobarbers in case we missed our flight. Not to mention having a lifetime supply of food curated by @aaronisip – great having a Filipino @gaultetmillau awarded chef on board (who also loves to drone). 
Got our dose of sun, rain, sand, sweat, sea, felt the earth barefoot, with mud between our toes that brought us through secret jungle spots, down to the waves for mor­ning surfs.
.
Siargao has a charm of its own and its up to you to make of it what you will.
.
Thankful!!!”

“One day you will wake up and there won’t be any more time to do the things you’ve always wanted. Do it now.” @paulocoelho.”

‘Every summer has a story♀❣.
#KacecapadesSIARGAO.’

‘Siargao makes people get real, makes you go back to the basics, makes you go where the wifi is weak but the bonding gets strong! So, Fam, happy you got on board this birthday! I luh you long time ⚓ (swipe x)
.
#KacecapadesSIARGAO.’

Anyway, parehong winner naman sa pag-emote ang dalawa. Pareho nilang ini-enjoy ang moment na meron sila, kasama ang mga kaibigan nila.

Panlalait kay Garie burado agad sa IG ni KC

Speaking of KC pa rin, feel na feel mo talaga ang kabutihan ng puso niya, ang pagmamahal niya sa kanyang mga kapatid sa ama. Lalo na sa kapatid niyang si Garie Concepcion na nakasama nga niya sa Siargao.

Sa Instagram post kasi ni KC na magkasama sila ni Garie, may mga fan na walang pa­kundangan kung ikumpara ang beauty nilang dalawa.

At siyempre, sa aspetong ‘yon, marami ang nagsasabi na mas lamang nga raw si KC kesa kay Garie. Magkaiba ang beauty nilang dalawa, at unfair na ikumpara ang kagandahan ng isa sa kagandahan ng isa.

Anyway, dahil mapagmahal ang puso ni KC, at ayaw niyang may nasasaktan na mga tao, lalo na at kadugo niya, kaya hayun, delete agad ang mga negatibong komento tungkol sa kapatid niyang si Garie.

Good job, KC!