Una sa Balita

KC iritado sa paghuhubo ni Troy

By
0 4,825

Kung sina Troy Montero at Aubrey Miles ay nagpo-post sa social media na naka-nude sila, ang kapatid naman ng una na si KC Montero, hindi raw magiging kasing-daring ng dalawa.

“I’m not that daring!” sabi ni KC.

Never daw magpo-post sa social media si KC na naka-nude ke mag-isa siya o kasama ang fiancé niyang si Stephanie Dods.

Actually, kahit ginagawang katatawanan minsan ni KC ang mga reaction niya sa nude photos o vi­deos nina Troy at Aubrey at ine-edit pa niya ‘yon at minsan ay nilalagyan niya ng animated fire-breathing dragon at kung anu-ano pa ang mga ‘yon, sinasabihan pala niya ang kanyang kuya na tigilan na ‘yon.

Nawawala raw kasi ang pagka-‘family’ ng image nina Troy at Aubrey dahil sa mga ganoong post.

Samantala, ang bilis ng panahon dahil 19 years na pala sa showbiz si KC at aminadong enjoy pa rin siya sa ginagawa niya, pero ‘yung pagiging radio DJ daw, ginib-up na niya dahil sa sunud-sunod na hosting jobs.

Sa ngayon, part siya ng Team Pacquiao dahil tumutulong siya sa social media promotions ng Pambasang Kamao dahil iisa lang ang manager nila, si Arnold Vegafria.
Pupunta nga raw siya sa Kuala Lumpur, Malaysia para sa boxing fight ni Manny against Lucas Matthysse ngayong July 15 at excited na siya para roon.

Piolo, Ogie, Martin, KathNiel inaabangan na sa Honolulu

ay pa-‘SAVE THE DATE’ announcement ang TFC (The Filipino Channel) para sa ASAP in Honolulu press conference ngayong June 28, 6-7PM (Hawaii time) sa TFC Online.
Kasama sa live online presscon na ito sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual, Ogie Alcasid, Toni Gonzaga, Daniel Padilla, Kathryn Bernardo, Inigo Pascual, KZ Tandingan at Maja Salvador.

Sabi pa ng mga taga-TFC, “As they meet the press to talk about ASAP Live in Honolulu, regarded as the most spectacular international touring Filipino concert, ASAP makes the City of Honolulu a must-destination this summer with a whole new level of world-class musical performances and production numbers from the best and hottest Filipino live entertainers.”

Hmph! I-allow kaya ng mga taga-TFC ang mga controversial question na ipapadala ng mga fan sa online presscon ng mga taga-ASAP?

Anyway, karamihan nga pala sa mga artistang kasama sa big event na ito sa Honolulu ay mag-aalisan bukas dahil sa June 30 na ang concert nila sa Neal S. Blaisdell Arena.

Marami rin daw silang gagawing mga spiel shoot around Honolulu, kaya kailangang bukas pa lang ay umalis na papunta roon ang mga kasama sa nasabing concert.
Ang alam ko nga, noong Sunday, umalis na si Martin kasama ang mga anak na sina Robin at Ram pa-Honolulu.

Mga kandidata sa Miss Manila puro artistahin

In fairness naman sa Miss Manila 2018 beauty contest, hindi ako magtataka kung may ma-discover ang Viva Films para maging next big star nila dahil ang daming artistahin sa official candidates this year, huh!

At dahil kasama nga sa prizes ang P500,000 Viva management contract, hindi nga imposibleng maging artista ang kokoronahang Miss Manila 2018 bukas sa PICC.

Pangungunahan nga pala ni Mayor Joseph ‘Erap’ Estrada ang nasabing coronation night bukas at may delayed telecast ‘yon sa ABS-CBN on Sunday after ng Gandang Gabi Vice.