Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KC ibinuyangyang ang makinis, matambok na wetpaks

0 246

Wala nang pakialam sa mga basher si KC Concepcion, at tuluyan na nga niyang inilantad ang kanyang katawan sa bagong photo posting niya sa Instagram.

Patalikod ang kuha ng larawan, na suot ang one piece bathing suit na may malalim na tabas sa likod at mataas na cut sa kanyang puwet.

“If you can’t love yourself, how in the hell you gonna love somebody else?” said RuPaul” – ang chika ni KC.

Malayang nakalantad ang singit, wetpaks ni KC sa larawan. Hindi man kasingnipis ng katawan ng ibang mga star ang porma ng katawan ni KC, pero walang dudang kakaiba ang bagyong hatid ng kaseksihan nito.

Kung palakihan at patambukan lang naman ng puwet ang pag-uusapan, talbog ang ibang mga star na nagbubuyangyang ng kanilang katawan sa socmed, sa ganda ng hubog ng sexy back ni KC.

Idagdag pang walang anumang mantsa at pantay ang kinis ng puwet ni KC sa buong parte ng kanyang likod. Wala rin marka ng tiger stripes o stretch marks ang pigi nito.

Umabot na sa mahigit 2,000 ang comment sa post na ito ni KC. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.