Una sa Balita

KC hello Churro, goodbye Aly

By
KC Concepcion at Aly Boromeo
0 12

Sa kanyang IG post, humingi ng paumanhin si KC Concepcion dahil masyadong quiet ang kanyang life ngayon. Hindi rainbow colored kumbaga, pero hindi naman daw ito boring.

Birthday weekend enjoying the sun and sea 🌴☀️🏝

A post shared by Aly Borromeo (@alybor11) on

Abante Hiring – IT dep

Ayon sa kanya, na­ging masyado siyang busy sa paglilipat ng bahay kaya ang dami niyang inasikaso.

Kaya, maging ang update tungkol sa lovelife nila ni Aly Boromeo ay kasinlamig ng yelo sa baso ng tubig. Pero, wait, may bagong pag-ibig ngayon si KC.

Ito ngayon ang umaagaw ng eksena sa mga IG posts ng ­eldest daughter ni ­Sharon ­Cuneta.
Of course, love pa rin niya si Aly, pero priority niya sa ngayon si ­Churro. Pinagseselosan kaya ito ng kanyang dyowa?

Siguro naman ay hindi, dahil lovable naman ang itinuturing ni KC na baby niya. Ito ay ang 4-month old na Pomeranian from Thailand.

Sosyal ang doggie na ito ni KC dahil may sarili itong IG account na meron nang 3,000 followers.

Ikaw na, Churro!

At hanep ha. Naka-designer’s doggie bag pa ito na syalang-syala talaga ang lifestyle ­dahil sa pag-i-spoil ni KC, huh?
Ikaw na, ­Churro! Ikaw na!