Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KC dedma sa ‘balikan’ kay Piolo

0 68

Para na ring si Kris Aquino si KC Concepcion ngayon, ha! Namimigay na ng datung sa kanyang mga social media follower, lalo na sa Instagram.

Well, nitong Linggo ng gabi ay sobrang saya ni KC, kaya umabot sa punto na nag-IG live pa siya, at nagpalaro pa sa kanyang mga follower.

“Dahil ang saya-saya ko ngayon, bagong lipat ako sa aking bahay, kaya may pa-games ako. May 5 rounds tayo, para 5 ang mananalo ng tag-P5K.

“Gusto niyo `yon? Bakit nga ba never ako naging game show host? Nag-host ako ng X-Factor Philippines, reality show `yon, nag-host na rin ako ng morning show noon. Well, tingnan natin kung papasa akong game show host,” bungad na chika ni KC.

Siyempre, may kinalaman sa mga gamit sa bagong lipat sa bahay ang konsepto ng ‘Bring Me’ ni KC tulad ng bigas, asin, tubig, at marami pang iba.

At `yun na nga, random ang pagpili ni KC ng mga kasali. At sa unang round pa lang, tatlong mapalad na mga fan na nga ang napili, isang lalake, dalawang babae. Sobrang saya ng mga fan sa naranasan nilang `yon, dahil hindi nga sila makapaniwala na makakausap nila ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepion.

“Dahil masaya po ako ngayon, gusto ko rin kayong sumaya. Ang sarap po ng feeling na marami kang napapasaya.

“Sobrang saya ko ngayon dahil nakapaglipat na nga ako, kaya gusto ko talagang i-share ang moment na ito sa inyong lahat na mga followers ko,” sey pa uli ni KC.

Pero sa second round ng mga kalahok, marami ang naaliw sa isang matandang babae na nagsabing fan na fan siya ni KC, na nagsimula pa lang daw noon kay Sharon.

At heto nga agad ang hirit ng matandang babae kay KC.

“I love you! Alam mo idol na idol kita! Mula pa kay Mama mo. Gusto kita makita.

“Idol na idol kita! Maganda ka, maganda pati kalooban mo. Si Mama mo noon pa, idol ko na.

“Idol talaga kit, pati si Piolo (Pascual). Alam mo, nag-worry talaga ako noong maghiwalay kayo. Gusto naming magkabalikan kayo ni Piolo! Sana magkatuluyan kayo ni Piolo!” rumaratsadang mensahe nga ng matandang babae.

Siyempre, tawang-tawa lang si KC sa mga sinasabi ng matandang babae. Hindi nga siya maka-react agad-agad, o makapagsalita.

Pero, dahil mahusay na game show host siya dapat, kaya pinilit pa rin niyang ibahin ang topic. Hindi nga bet ni KC na pag-usapan o maging topic si Piolo sa moment na ito ng buhay niya.

“Okey po! Okey po! Ito na po! Dahil masaya ako ngayon, gusto ko ma-share sa inyo ang kasayahan na `yon. Ano po ba ang madalas na ginagawa pag bagong lipat ng bahay?

“So, ito na po ang pa-bring me. Bring me… rice cooker!” sabi ni KC.

At `yun nga, nailihis na niya ang topic, at bongga, siya di ba?

Anyway, nangako si KC na simula pa lang ito, dahil may mga plano pa siyang gawin para sa mga follower niya.

Siyempre, sa round na `yon ay natalo ang matandang babae.

Anyway, ang dami talagang fan na hanggang ngayon ay umaasa na sa bandang huli ay sina KC at Piolo pa rin ang magsasama. Ang iba nga ay naniniwala na nagkabalikan na ang kanilang mga idolo ngayon, at pakakasal na!

Well…

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.