Una sa Balita

KC Concepcion napagkamalang bakla

0 985

Sa kauna-unahang pagkakataon ay napintasang mukhang “bakla” ang dyosa ng kagandahang si KC Concepcion sa photo shoot nito sa isang fashion magazine.

Nakabalandra sa Instagram ni KC ang close up photo niya, na hindi inaprubahan ng marami sa kanyang mga follower, fan.

Walang dudang lumabas ang perfect facial bone features ng anak na ito ng Megastar na si Sharon Cuneta, pero ayon sa kanila, hindi bumagay ang makeup nito sa itsura ng aktres.

Marami ang nagsabing nagmukhang bakla ang aktres at mas mukha pang babae ang mga transsexual o transgender sa makeup ng mga ito. Siguradong nakarating na ito sa team ng naturang magazine.

May pamantayan siguro sila kung bakit ito ang napili nilang larawan ni KC. At kanya-kanyang panlasa lang ‘yan, ha!

Sam, Anthony pakakasal na

Finally ay engaged na ang model/actress na si Sam Pinto sa kasintahang si Anthony Semerad. Naka-post sa Instagram ni Sam ang larawan ng kanyang daliri suot ang engagement ring na ibinigay ng basketbolista.

Sa kasunod na photo sa parehong post, magkasama na sila ni Anthony.

Kinumpirma rin ito ni Sam sa caption ng photo.

“FOR REAL NOW, it’s when they say you don’t hear anything when they start proposing. Lol. Here’s to forever with you @anthonysemerad,” sabi ni Sam.

Naku, parami nang parami ang ikakasal bukas, ha!

Elisse nainggit sa harutan nina Vice, Ion

Kinikilig at nakaramdam ng inggit si Elisse Joson sa nasaksihan niyang tamis ng lambingan nina Vice Ganda at ng boyfriend nitong si Ion Perez. Sa panayam ng “Abantelliling” sa aktres sa meet and greet nito sa kanyang mga fan sa Cathy Doll Beauty product na ginanap sa MOA, sinabi nitong lantaran ang pagpapalitan ng affection ng magkasintahan.

Si Elisse ay kasama sa cast ng MMFF entry na “The Mall the Merrier” nina Vice Ganda, Anne Curtis, at pati na ni Ion.

Paglilinaw ni Elisse ay pleasant naman ang PDA nina Vice at Ion, na hindi masakit sa mata. Sey pa ni Elisse, parang gusto niyang ma-in love at magka-boyfriend ulit sa nakikita niyang saya nina Vice at Ion.

Angel, Neil pinayuhang magpa-marriage counselling

Walang ideya si Dimples Romana kung sumasailalim na sa marriage counselling ang engaged na niyang mga kaibigan na sina Angel Locsin at Neil Arce. Hindi napag-uusapan nina Dimples at Angel ang tungkol sa counselling dahil pareho silang busy.

Pero sa paniniwala ni Dimples na dapat lang dumaan sa counselling ang dalawa gaya nu’ng ginawa nila ng kanyang asawa bago sila ikasal. Malaki ang maitutulong ng counselling para mas maging matatag ang samahan nina Angel at Neil bilang mag-asawa gaya ng tatag sa pagsasama nila ng mister niyang si Boyet.

Samantala, plano na ni Dimples na magregalo ngayong Pasko ng Juan Life Accident Insurance sa mga kasamahan niyang staff ng seryeng pinagbibidahan na “Kadenang Ginto”.

Si Dimples ang endorser/ambassadress ng pinakamurang accidental insurance sa bansa.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy