Una sa Balita

KC buhay-prinsesa sa France

By
0 1,599

Buhay-prinsesa si KC Concepcion sa France kung ang pagbabasehan ay ang mga pinoposte nitong mga larawan sa kanyang Instagram. Nakatira (o naninirahan) ngayon si KC sa isang malaking bahay (o palasyo na ata ito) na 600 years old, kasama ang boyfriend na si Pierre Emmanuel Plassart.

Sinabi ito mismo ni KC sa caption ng pinoste nitong photo habang nilalaro ang isang white pet dog sa harap ng bahay.

“I’ve never felt so at home in a 600 years old house until now. A house, no matter how big or how old, becomes a HOME when filled with love, laughter, ­family get togethers, conversations, jokes, home cooked meals, great wine, & just happy memories all around.

“Above all, love each other deeply because love covers over a multitude of sins” – 1 Peter 4:8’.
Binanggit pa ni KC ang tila nakababatang kapatid ng boyfriend niya sa kanyang caption, “Miss you @melanieplassart.”

Nasa countryside ng France nagpunta sina KC at si Pierre nitong nakarang weekend kung saan mistulang royalty nga ang peg ng nasabing panganay ng Megastar na si Sharon Cuneta.
Dahil dito, walang dudang umaapaw sa kaligahayan ang puso ni KC sa bagong natagpuang pag-ibig.