Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

KC bibigyan ng beach resort si Sharon

0 205

Isang beach resort o beach house ang planong ibigay ni KC Concepcion sa nanay niyang si Sharon Cuneta, matapos ang ilang araw nilang bonding sa Palawan, kung saan nagdaos ng kaarawan ang Megastar.

Sa larawan na pinoste ni KC sa kanyang Instagram wall habang nakatayo sa gilid ng isang crystal blue-water ng pool sinabi nito sa caption ang pangarap niyang maibigay sa Mommy niya.

“Mom’s got great taste in homes and interiors. I dream of building her a ‘never neverland’ on the beach for her own enjoyment, maybe someday…villa 20,” sabi ni KC.

Sa pagkakatanda namin, may isa na ngang property si KC sa San Vicente Palawan, sa taas ng bundok pero hindi pa niya ito napapatayuan ng bahay.

Kung mangyayaring mareregaluhan ng isang beach house ni KC ang ina, siguradong si Sharon na ang pinakamasayang nanay sa buong mundo.

***

Andi, Philmar sinaluduhan ni Jaclyn

Aprubado at masaya si Jaclyn Jose sa buhay na pinili ng anak nyang si Andi Eigenmann at sa lalakeng pinagkatiwalaan nito ng kanyang buong buhay, ang island boy na si Philmar Alipayo.

Hindi napigilan ni Andi na humanga kay Andi sa larawang pinoste nito ng anak at ni Philmar habang magkayakap na lumalangoy sa ilalim ng dagat.

“And then she said yes! And they swam away…swim my dear with Philmar I know you are in good hands…swim letting go…build a family be happy and be merry with Ellie…which I know how great a mother you be become in balancing…” sabi ni Jaclyn.

Ayon pa kay Jaclyn nilagpasan pa ni Andi ang achievement nya sa buhay at karera.

“I as a mother to you? I bow…different story at a different time…i am glad you stop it…ako ngayon ang natuto you are such an inspiration to mother like me ‘wag makulong sa trabaho sa lahat. Yes I have so much achievement but your trophy is more than I have!” sabi pa ni Jaclyn.

Gloria forever reyna ng kagandahan

Ipinagmalaki ni Gloria Diaz ang sarili, kasama si Margie Moran sa dalawang larawang pinoste nito sa Instagram niya kung saan kasama rin nilang dalawa, sa magkakahiwalay na shot ang dalawa pang Miss Universe na sina Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Bagamat, malaki ang age at looks difference nila ni Margie kina Pia at Catriona sinabi ni Gloria na walang katapusan ang pagiging isa nilang beauty queen kahit tumanda na sila.

“Being a beauty queen is forever @catriona_gray @piawurtzbach @margie_moran. Hanggang pumuti na ang buhok mo…kumulubot na ang balat mo,” sabi ni Gloria.

***

Andre Paras bokya pa rin sa babae

Hanggang ngayon nanatiling single pa rin ang panganay ni Jackie Forster na si Andre Paras. Ito mismo ang ipinangalandakan ni Jackie sa video post nito ng Kapuso actor sa kanyang Instagram wall, na kuha sa bakasyon nila sa Boracay.

Loaded sa kaguwapuhan at kamachohan ang anak pero wala pa itong kasintahan hanggang ngayon.

“Yung complete package ka sana pero choice mo maging single…” sabi ni Jackie.

Wala naman sa himig na nanghihinayang si Jackie, dahil mas nanaig ang pagkabilib nito kay Andre sa pinili nitong status, ang manatiling jowa-less.

Kris Bernal iniyakan ang sarili

Kakaiba sa lahat ng Pinay actress si Kris Bernal, sa ibinahagi nitong kuwento sa kanyang Instagram ng video sa isang eksenang ginawa nito para sa kasalukuyang umiere na serye sa TV5.

Ayon kay Kris, sa tuwing mapapanood niya ang sarili sa telebisyon hindi nya mapigilan ang umiyak at madala sa eksena.

Kuwento pa ni Kris, sya ang artistang matagal kumawala sa character na ginampanan nya kahit matagal nang tapos ang shooting nila.

“As a method actor, it does get difficult for me to disconnect from a character specially if portrayed for a longtime,” sey niya.

Nawi-weird-uhan mismo si Kris sa sarili sa tuwing sasabayan nya ng iyak ang sariling napapanood sa telebisyon na umiiyak.

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.