Una sa Balita

KC balik-trabaho na sa ABS-CBN

0 625

abante-anything-goes-jun-lalinNoong Monday night, nakita ko si KC Concepcion sa ABS-CBN. May mga katsikahan siya.

Galing kaya sa meeting si KC with the big bosses of Kapamilya network? Magkakaroon na kaya siya ng new show?

Some months back kasi, nakita ko rin siya sa ABS-CBN sa taping ng Magandang Buhay (mga February) at galing siya sa meeting with some executives ng nasabing TV network at nabanggit niyang magsu-show na nga uli siya, pero parang ang tagal naman at hanggang ngayon ay wala pa rin.

So, nangangahulugan ba na nung makita ko siya last Monday ay dahil matutuloy na nga ang new show niya?

Well, sana naman kasi ang mga fan ni KC ay noon pa nagre-request na magkaroon na uli siya ng regular TV show, huh!

 

Kahit Viva artist na: Marco bibida pa rin sa Kapamilya show

After ng taping ni Assunta de Rossi para sa Tonight with Boy Abunda noong Monday, nakasalubong namin na papasok ng ABS-CBN ang former Star Magic talent at ngayon ay mina-manage na ng Viva Artists Agency na si Marco Gumabao.

Guest si Marco sa show ni Boy Abunda para mag-promote ng Para Sa Broken Hearted movie ng Viva Films. In fairness, kahit umalis si Marco sa pa¬ngangalaga ng Star Magic ay welcome pa rin naman siyang makapag-guest sa mga show ng Kapamilya network, huh!

Tinanong ko nga pala ang isang taga-VAA kahapon kung magkakaroon pa ng regular TV show sa Dos si Marco at yes ang sagot nito.

“Malapit na ‘yung Los Bastardos at kasama siya roon,” sabi ng taga-VAA na kausap ko.
At least, maganda pa rin naman ang relasyon ni Marco sa mga taga-Dos at malapit na palang magsimula ang regular series niya.

Eh, si Xian Lim na lumipat din sa VAA, bakit parang hindi na nagkaroon ng regular TV show sa Kapamilya network?

“‘Yun nga, eh,” sabi pa ng kausap ko.

Well, at least, suwerte pa rin si Marco, huh!

 

Mother Lily, Annabelle araw-araw magkasama

Mag-BFF talaga ngayon sina Annabelle Rama at Mother Lily Monteverde.

Noong isang araw, dumalaw sa Camp Crame, kay former Senator Bong Revilla na birthday noong araw na ‘yon, sina Bisaya at Mother Lily.

Aba, sinundo pa ni Bisaya si Mother Lily sa Regal Entertainment office sa Valencia, Quezon City dahil nag-asikaso muna ang huli sa presscon ng pelikulang Wild & Free nina Sanya Lopez at Derrick Monasterio.

Actually, halos araw-araw naman silang magkasama.

Sa umaga hanggang hapon, may iba’t ibang pinagkakaabalahan sina Bisaya at Mother Lily, pero pagdating ng gabi, palagi na silang magkasamang nagdi-dinner at nagtsitsikahan.

Noong Monday night nga, tinawagan pa nila ako at nasa Greenhills, San Juan sila at nagdi-dinner at pinasusunod ako, pero magkasama naman kami ni Assunta sa ABS-CBN para nga sa promo guesting nito ng Tres ng Imus Productions, Inc.

 

Raymond ayaw sa mga pasurpresa ng Abante

Kamakalawa ay tinanong ako ni Raymond Gutierrez kung bakit one hour daw ang Anything Goes online show interview ko sa kanya bukas ng 1:30-2:30PM via Abante News Online sa Facebook.

Sabi ko, may surprises kasi.

“I don’t like surprises!” sabi ni Raymond.

Hmph! Still, itutuloy ko pa rin ang surprises for Raymond like some phone patch na tiyak na ikakagulat niya, ‘noh?!
Reminder lang, mamayang 1:30PM na ang guesting ni Raymond Gutierrez sa online edition ng Anything Goes sa Abante News Online Facebook account!