Una sa Balita

KC at bagong dyowang si Pierre nagpakilig sa Instagram

By
0 587

abante-paistaran-dondon-serminoNag-fiesta ang mga follower ni KC Concepcion sa social media (Instagram) dahil sa latest post niya. Winner nga kasi, dahil finally ay ipinakilala na ni KC sa publiko ang bagong boyfriend niya.

Naka-tag ang pangalan na Pierre Emmanuel Pla­ssart, at ‘yun nga ang in-assume ng lahat na name ng bagong dyowa ni KC.

“Warm, genuine, timeless,” simpleng caption lang ni KC sa photo nila.

Sunod-sunod ang mga komento ng mga fan, na karamihan ay aprub sa bagong karelasyon ni KC.

Sabi ni jm_malintad: “This type of man is the one who can handle a type of a woman that independent, passionate, spirit free and beautiful inside out…”

Na ang sagot naman ni KC ay, “I think so too.”

Hirit naman ni cudiajeanette: “It’s your choice! Aly is more than handsome. Sorry I hope Aly will find the right and best girl he deserves.”

Na ang sagot ulit ni KC ay, “I hope so too. Only want the best for him!”

Feeling ng ibang fan ni KC, may mga insensitive comment ang ibang fan, na parang mas boto pa rin sila kay Aly Borromeo.

Pero, dahil obyus na in love nga si KC, sobrang ganda ng pana­naw niya sa buhay.

“Don’t worry about them. They wouldn’t be commenting like that if they were happy with their own lives. Only happy hearts can spread happy vibes,” sey pa ni KC.

May chika rin si milesstahl: “Is this the guy that KC met on Pres. Bill Clinton birthday with mega? Wow true love waits.”

“Yes!” ang sagot ni KC.

Sey naman ni jdgvela_: “I hope he’s the one already for you KC. You guys look good together.”
“God’s timing is perfect!” sagot ni KC.

Nagbunyi ang mga showbiz friends ni KC like Ruffa Gutierrez, Lea Salonga, Tim Yap at marami pang iba.