Una sa Balita

Kayamanan ni John Lloyd nakakalula

0 4,006

abante-anything-goes-jun-lalinIsang naging malapit kay John Lloyd Cruz noong active pa sa showbiz ang “retired” actor ang nakatsikahan ko kahapon.

Sabi niya, kahit may mga nagsasabing weird ‘yung ibang mga ginagawa ngayon ni Lloydie like ang pagsakay ng jeep, ang pagkain ng balut sa kalye at kung ano-ano pa, alam nila na happy ang kanilang kaibigan na nae-experience na nito ang ganoon.

“Hayaan natin siya. Na-miss kasi niya ‘yon. At least, nagagawa na niya uli ‘yon ngayon,” sabi ng katsikahan ko.
Pero pagdating naman daw sa pagiging mapera, hindi puwedeng palabasin ng iba na kaya ginagawa ‘yon ni Lloydie ay dahil naghihirap na ito dahil walang kinikita at hindi na nga nag-aartista.

“Tito Jun, alam naman natin na sa kita pa lang sa investments niya, napakaraming pera ni Lloydie!” sabi ng kausap ko.
Feel nga ng katsikahan ko na bago pa nag-decide si Lloydie na magpaka-inactive sa showbiz, “bilyonaryo” na ang lovey-dovey ni Ellen Adarna.

Well, parang gusto kong maniwala sa bagay na ‘yan dahil ako mismo ay nalulula sa mga investment ni Lloydie na ikinukuwento sa akin ng mga kaibigan niya, like paintings, townhouses, condominium units at kung ano-ano pa.

Pero, alam mo Dondon, feel ko na masa­yang-masaya ngayon si Lloydie sa mga ginagawa niya sa kanyang buhay kahit pa nga palabasin siyang weird ng ibang mga tao.

Alam ko rin na masaya siya sa pagiging isang daddy ay, tatay pala, dahil mas gusto nga pala niya ‘yung simple lang!

 

Lolit nanawagan sa mga boss ng Dos

Naaliw ako kay Manay Lolit Solis.

Talagang dinaan niya sa kanyang Instagram account (@akosiloliltsolis) ‘yung paminsan-minsan lang na pagte-taping ng alaga niyang si Amy Austria sa Halik primetime series ng ABS-CBN, huh!

Suwerte na pala na makapag-taping ng tatlong beses sa isang buwan si Amy, kaya nanawagan si Manay Lolit sa executives ng Dos na sabihin na lang kung what day ba tala­ga kailangan ang kanyang alaga sa taping ng Halik para maka-raket din naman sa iba, ‘noh?!

Pero in fairness to Manay Lolit,­ she has mellowed at hindi siya nagtataray sa post niyang ‘yon!