Una sa Balita

Kaya wala sa Bonifacio Day Digong bantay-sarado si Satur

By
0 1,386

INIHAYAG ng Malacañang na nakabantay si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaganapan kaugnay ng pagkakaaresto kay dating Bayan Muna Party-list Rep. Satur Ocampo at sa iba pang mga kasamahan nito sa Davao del Norte kaya hindi ito nakadalo sa paggunita ng ika-155 anibersaryo ng kaarawan ni Gat Andres Bonifacio sa Caloocan City.

Sinabi ni Executive Secretary Salvador Me­dialdea na nag-aalala ang Pangulo sa mga menor de edad na isinama nina Ocampo kaya bumalik ito sa Davao.

Matatandaang inihayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kailangang bumalik sa Mindanao si Pangulong Duterte dahil may aasi­kasuhin ito na may kinalaman sa insureksiyon.

Kasabay nito, sinabi ni Medialdea na walang aasahang special treatment ang grupo ni Ocampo dahil luma­bag ang mga ito sa batas kaya’t itatrato sila na kagaya ng ibang presong nakagawa ng kasalanan.

“No special treatment kasi lumabag siya sa batas. Itatrato siya like any other na luma­bag din sa batas,” ani Medialdea.

Pinayuhan pa ng Malacañang ang grupo ni Ocampo na huwag gawing ‘circus’ at propaganda laban sa gobyerno ang pagkakaaresto sa kanila.

Sabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi makatutulong sa kaso nina Ocampo ang ano mang pagtatangka na gawing trial by publicity ang usapin kaya’t dapat na maghinay-hinay ang mga ito.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy