Una sa Balita

Kaya tinukuran ng AFP, PNP: Mindanao Martial Law extension dagdag seguridad sa 2019 election

By
0 337

ANG karagdagang seguridad sa gagawing 2019 mid-term election ang isa sa dahilan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagrerekomenda ng isang taong ekstensyon ng Martial Law sa Mindanao.

Ito ang pahayag ni PNP Spokeper­son Benigno Durana Jr. kahapon matapos sabihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Congress hinggil sa Martial Law extension sa rehiyon.

Samantala, nagpapasalamat ang AFP sa sobrang pagtanggap ng mga residente ng Mindanao dahil sa pagsulong ng Martial Law extension.

Sa isang radio interview kay Durana kahapon, inirekomenda ng PNP ang 1 taong ekstensyon ng Martial Law sa Mindanao dahil sa paglakas ng mga grupo ng mga rebelde sa rehiyon at paggamit sa mga ito ng ilang politiko dahil sa nalalapit na eleksyon.

“Talagang ‘yung activity ng rebel groups doon sa Mindanao will continue even beyond the election days. Kaya nga po tinututukan natin ‘yan even before,” pahayag ni Durana sa isang radio interview kahapon.

Matatandaang apat na buwan na ang nakalipas nang ilunsad ng PNP ang isang counter measure upang mapababa ang mga election-related violent incident dahil umano sa ginagawang operasyon ng pagpatay, extortion, at kidnap for ransom activity ng mga mi­yembro ng New People’s Army (NPA)

“Kaya nga it’s not only before or during the election period, sometimes it can trail beyond, beyond the election period and I think we are in a better position kung ito ay palawigin natin ng isang taon not for anything else but for the best interest of the people of Mindanao,” saad ni Durana.

Subalit nakasalalay sa Kongreso ang pagdedesisyon kung kanilang papayagan ang panibagong Martial Law extension, ayon kay Durana.

Inaasahang magkakaroon ng joint session ang Senado at Kongreso sa darating na Miyerkoles para sa deliberasyon hinggil sa Martial Law extension.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More