Una sa Balita

Kaya Natin: Tuloy ang korapsyon sa lokal na pamahalaan

By
0 15

Natutuwa tayo sa ginagawang paglilinis ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga drug pusher sa ating bayan. Sana lamang ay huwag naman sila basta basta na lamang patayin at mabigyan man lamang ng maayos na imbestigasyon.

Ang hamon na lamang ngayon kay Duterte at sa Philippine National Police (PNP) ay mahuli at mapakulong ang mga malalaking sindikato at mga taong nasa likod ng pagpapalaganap ng iligal na droga sa ating bansa.

Hanggang sa hindi mahuhuli at mapapanagot sa batas ang mga malalaking taong ito, hindi masasabing matagumpay ang laban ng kasalukuyang administrasyon kontra iligal na droga.

Naniniwala ako kay Duterte na ang ilan sa mga malalaking tao na nagiging protektor ng iligal na droga sa ating bansa ay mga pinuno sa lokal na pamahalaan gaya ng mga Mayor at Gobernador.

Dapat ay makasuhan at ma-suspinde na agad ang mga pinunong ito kung may malakas na ebidensya na sila ay sangkot nga sa iligal na droga sa kanilang lugar. Kinabukasan ng ating mga kabataan ang nakataya sa labang ito kaya hindi tayo pwedeng umatras dito.

Related Posts

Maharlika

Bawat araw

Isa pang dapat tutukan ni Duterte ay ang patuloy na lumalalang korapsyon sa mga lokal na pamahalaan kung saan iniipit at pinahihirapan ang mga negosyante para lamang makakakuha ng business permit at iba pang mga dokumento na kailangan para mapatakbo ang kanilang negosyo.

Sa halip na pahirapan ay dapat pa ngang tulungan ng mga lokal na pamahalaan ang mga negosyante dahil kapag may negosyo ay may trabaho sa kanilang lugar. ‘Pag may trabaho eh di mas mababawasan ang mga naghihirap at nagugutom sa ating lipunan.

Ang problema ay iniisip lamang ng mga pinuno natin ang kanilang sarili at hindi ang kapakanan ng mas nakararami. Halimbawa na rito ang naranasan ng aking kaibigan sa isang malaking siyudad dito sa Metro Manila kung saan ay hiningan siya ng mahigit P 350,000 para lamang mabigyan siya ng business permit.

Dahil sa pangyayaring ito, hindi na niya tinuloy ang pagbubukas ng negosyo kaya sayang ang halos 200 sanang trabaho na malilikha ng kanyang magbubukas sanang factory sa lugar. Hanggang may kalokohan at korapsyon sa ating gobyerno ay parating talo ang mamamayang Pilipino.

***

Para sa inyong mga komento, magtext sa 0916-6772989.