KAYA NATIN: May trabaho ba para sa ating mga kabataan?

By

Panahon na naman ng mga gradua­tion at marami sa ating mga kabataan ang sasalang na sa pagha­hanap ng trabaho para makapag-­ipon para sa kanilang mga pamilya­ at sa kanilang kinabukasan.

Pero ang tanong ay may sapat nga bang mga maayos at matino na trabaho rito sa ating bansa para sa ating mga ­kabataan? Mukhang ang sagot ay kulang pa rin dahil hanggang ngayon­ ay marami pa ring mga ­Pilipino ang naghahangad na magtrabaho sa ibang bansa dahil ayon sa kanila ay kahit sila ay kumayo­d nang husto sa ating bansa, ­kulang pa rin ang kanilang kikitain para buhayin ang kanilang ­pamilya.

Ano nga ba ang kailangan para magkaroon ng mas mada­ming trabaho rito para sa bawat Pilipino? Unang-una sa ­lahat kailangan mas mahikayat ang mga negos­yante na magbukas ng negosyo sa ating bansa dahil kapag may negosyo eh ‘di may trabaho. Isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng admi­nistrasyong Duterte ay ang pagtutok sa mga lokal na pamahalaan para matapos na ang korapsyon sa loob nito.

­Malaki kasi ang epekto nito sa mga nais magbukas ng negosyo sa ating bansa. Halimbawa, sa isang ­siyudad dito sa Metro Manila, kailangan kang magbigay ng aabot sa P25,000.00 na suhol para ­lamang makumpleto­ ang lahat ng mga kailangang permit at dokumento­ sa pagbubukas ng isang negosyo. Kung ikaw ay isang nag-uumpisa pa lamang na negosyante, malaki ang ­halagang ito at mawawalan ka na nang gana na magbukas pa ng negosyo dahil dito.

Isa pang dapat nating gawin ay manghikayat pa ng mas maraming mga dayuhan na mamuhunan sa ating bansa. Mangyayari lamang ito kung maipapakita natin na maayos ang sitwasyon sa ating bansa at nakakasiguro sila na hindi basta-­basta na lamang masasayang ang kanilang ilalagak na puhunan dito.

Dito papasok ang mga binibitiwang mga salita ni Presidente Rody Duterte dahil kapag nakita ng mga negos­yante na magulo ang isip ng ating Presidente at parating pabagu-­bago ito, siguradong matatakot silang mamuhunan at magbukas ng negosyo sa ating bansa.

Sana ay bukod sa giyera sa droga ay magawa na rin ng ating pamahalaan ang giyera laban sa kahirapan. Mangyayari lamang ito kapag naging maganda na ang takbo ng ating ekonomiya at may mga naghihintay nang magagandang ­trabaho para sa bawat Pilipino.


SHARE