Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaya naming talunin New Zealand – Thirdy

0 186

BAGAMAN maganda ang kanyang naging performance, hindi pa rin ikinatuwa ni Thirdy Ravena ang pagkatalo ng Gilas Pilipinas kontra New Zealand, 63-88, sa 2023 FIBA World Cup Asian Qualifiers Linggo ng gabi.

Nagsalansan si Ravena ang 23 points, limang rebounds, limang assists, limang steals at isang block para sa national squad.

“It’s hard to be happy right now at this moment kasi nga talo kami. It doesn’t mean anything if you score 40 points and you lose the game,” sey ni Ravena. “I feel like we could’ve beat this team but that’s the frustrating part about it.”

Aminado rin ang former Ateneo cager na kailangan pa nitong pagtuunan ng pansin ang kanyang free throws matapos magsalpak lang ng 3-of-10 sa foul line sa nasabing laban.

“I still need to work on my free throws a lot more. Free throws can cost a game. It might not be as seen [as much] in this particular game, but it can definitely cost games in the future,” aniya.

“Nakakahinayang at the end of the day, but it’s always a blessing to be able to have the opportunity to represent the country, to fight against great teams,” wika ni Ravena, naglalaro para sa San-En NeoPhoenix sa Japan B.League. (Janiel Abby Toralba)

Leave A Reply

Your email address will not be published.