Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaya lumayas sa Dos: Maja nasilaw sa datung

0 227

Patuloy na pino-post at binibigyan ng diin ng talent manager at ngayo’y social media influencer na rin na si ‘Nay Lolit Solis ang isyu ng Brightlight Productions ni Albee Benitez.

This time, yung kay Maja Salvador naman na tulad ni Piolo Pascual ay pinagso-sorry-han ni Johnny Manahan dahil ngayon, nawalan ng show ang mga ito after na magtiwala at sumama sa kanya sa SNL na produced ng Brightlight at TV5.

Pero ayon kay Nay Lolit, “Iyon drama noon na kaya lang pumayag na tanggapin ang alok ng Brightlight na sumama sila sa Sunday show ay dahil sa love nila si Mr. M o Direk Johnny Manahan ay hindi pala ganuon katotoo. Kasi, kung iisipin mo ‘yung talent fee na ibinigay kay Maja Salvador na doble sa tinatanggap niya sa ABS-CBN ang maaari rin dahilan kung bakit hindi siya nag-stay sa channel 2.

“Pwede na mas nasilaw siya dahil sa laki nga kaya kahit pinipigilan siya para gawin sana ang serye nila ni Richard Gutierrez, hindi siya nagpapigil.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“Iyon drama na hindi niya pwede tanggihan dahil kay Mr. M parang mas maliwanag ngayon na hindi niya natanggihan dahil very tempting ang offer. Katawa-tawa ngayon mga pa-eklay na dahil kay Mr. M, bakit hindi na lang sinabi, sayang iyon tf?”

Sabi rin nito practical naman daw na masilaw dahil sa laki ng offer pero sey niya rin, dapat hindi na raw yung drama na hindi mahindian ang isang tao dahil mahal niya.

Binigyang diin din niya na hindi rin basehan ang maraming social media followers. Kapag gusto raw talaga ng tao, papanoorin. Kinumpara pa ni Nay Lolit ang cartoon na mas maraming nanonood kesa raw sa pagsasayaw ni Maja.

Sey pa niya, “Ayan tsugi na rin ang show. Wala na rin laki tf.” (Rose Garcia)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.