Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Kaya lumayas: John Lloyd naubos utak sa showbiz

0 409

Sa isang bihirang pagkakataon, humarap si John Lloyd Cruz sa isang live interview kasama ang “King of Talk” na si Boy Abunda sa programa nitong “The Best Talk” sa FYE channel ng Kumu, kaya naman inabangan talaga ito ng fans para masilip din nila kung kumusta na ang aktor.

Komportableng nakipagchickan ang aktor kay Tito Boy, at dito na nga niya inaming “naubos” nga siya sa showbiz kaya siya nagpahinga bilang aktor.

Nang tanungin siya ni Tito Boy kung choice niyang hindi muna gumawa ng pelikula, ang sagot ng aktor ay, “Kailangan na ring huminto at magnilay-nilay. Kailangan ng medyo dumistansya. Para malagyan mo ulit, kailangan mo munang ubusin.”

“Nakakaubos iyong dine-demand ng ganitong trabaho. And bilang creator gusto mong makapagbigay lagi ng something worth their time. And kung ubos ka, medyo mahihirapan kang ma-deliver iyon kasi wala nang bagong laman iyong utak mo, wala ka nang maibibigay na tingin ko will be worth their time. Kumbaga nakakahiya na lang din,” madamdaming sabi ng aktor.

Sinabi naman ni Tito Boy na sure siyang mas nagkaroon ng time si Lloydie na mag-isip at magmuni-muni sa mahahalagang bagay sa buhay ngayong nagpapahinga siya.

Sabi ni Tito Boy, “Bawat karanasan naman ay dagdag kaalaman din doon sa mga nalalaman natin, so you become richer in a way.”

“Oo, sobra. Nawalan man ako ng trabaho pero ang dami na ring na-gain, huminto man ako nang matagal. Pero hindi naman ako tumitigil ng paggawa kahit panaka-naka gumagawa ako binibigyan ako ng mga kaibigan ko. Noong mga panahon na ‘yun, enriching din naman,” sey naman ni Lloydie.

Bagama’t hindi sinabi ni John Lloyd kung kailan natin siya mapapanood muli, inamin naman niyang sobra ang kanyang happiness ngayon dahil sa anak niyang si Elias. (DS)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.